NBA players, exempted sa COVID-19 vaccine
ni MC - @Sports | September 16, 2021

Exempted umano ang NBA players kung ayaw nilang magpaturok ng COVID-19 vaccine pero inatasan ng liga na ang lahat ng referee at staff ay dapat vaccinated.
Patuloy ang negosasyon ng NBA at NBPA para sa iba pang COVID-19 protocols para sa paparating na season, pero naglagay ang liga ng mahigpit na protocols para sa hindi pa vaccinated na manlalaro.
Ang ilang protocols na hindi pa napagkakasunduan ay ang pagkain at pag-travel ng hiwalay ang vaccinated at non vaccinated teammates bukod pa sa ihihiwalay ng locker room ang wala pang COVID-19 vaccine.
Sa ngayon, tinatayang may 85 percent na ang manlalaro na nabigyan na ng vaccine, ayon sa liga. Inabisuhan din ng liga ang mga team na ang personnel na nagtatrabaho na malapit ng 15 feet sa players o opisyal ng games ay kinakailangan vaccinated na sa Oct. 1.
Pinapayagan na rin ang NBA coaches na magsuot ng casual dress sa 2021-22 season, base sa ulat ng source. Matatandaang ni-require ng liga ang mga coach na magsuot ng suits na may collared shirts noong 2010 hanggang sa simula ng bubble nitong 2020.
Samantala, patungkol sa 3rd Professional Sports Summit ang tatalakayin ngayong 120th "Usapang Sports on Air" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.
Babanggitin ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham "Baham" Mitra ang tungkol sa 1-day online professional sports summit ngayong 10 a.m. na public service program na inisponsoran ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and GAB. Nakaiskedyul ang summit sa Set. 29.
Ang episode na ito ng TOPS “Usapang Sports” magmula nang itatag ito sa National Press Club noong 2018 ay ika- 62nd edition at nasa online platform ngayon dahil sa pandemic.





Comments