top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NBA may bagong sistema sa In-Season Tournament

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 19, 2023




Magkakaroon ng bagong lasa ang 2023-2024 NBA sa pagdaos ng pinakaunang “In-Season Tournament” na dagdag dahilan upang bumanat agad ang 30 koponan simula Nob. 3. Ang mga laro ay kasama sa 82 laro na nakagawiang laruin bawat taon kaya walang malaking pagbabago sa kalendaryo.


Nagbuo ng anim na grupo na tig-limang koponan at maglalaro ng single round o tig-apat na beses. Ang numero uno sa bawat grupo at dalawang may pinakamataas na kartada sa mga pangalawa ay tutuloy sa knockout playoffs.


Habang tumatakbo ang playoffs ay maglalaro rin ang 22 na hindi nakapasok upang mabuo ang takdang 82 laro. Ang semifinals at finals ay gaganapin sa Las Vegas sa Dis. 7 at 9.


Pangungunahan ng World Champion Denver Nuggets ang West B kasama ang LA Clippers, New Orleans Pelicans, Dallas Mavericks at Houston Rockets. Binubuo ang West A ng Memphis Grizzlies, Phoenix Suns, Los Angeles Lakers, Utah Jazz at Portland Trail Blazers habang ang West C ay Sacramento Kings, Golden State Warriors, Minnesota Timberwolves, Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs.


Ang Miami Heat ay nasa East B kasama ang Milwaukee Bucks, New York Knicks, Washington Wizards at Charlotte Hornets. Ang East A ay Philadelphia 76ers, Cleveland Cavaliers, Atlanta Hawks at Detroit Pistons habang nabunot sa East C ang Boston Celtics, Brooklyn Nets, Toronto Raptors, Chicago Bulls at Orlando Magic.


Samantala, kampeon ang Cavaliers sa NBA2K24 Summer League matapos tambakan ang Rockets, 99-78, kahapon sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas. Hinirang na Most Valuable Player ng Finals si Isaiah Mobley na may 28 puntos at 11 rebound sa 27 minutong aksiyon. Winalis ng Cavs ang anim na laro patungo sa tropeo kasama ang 102-99 pagtakas sa Nets sa semis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page