GGV NI VICE, SA KAPUSO NA MAPAPANOOD
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 16, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang anunsiyo si Vice Ganda kung saan eere ang pagbabalik ng programa niyang Gandang Gabi Vice (GGV). Pero may mga haka-hakang sa GMA-7 ito eere dahil sa kanyang collaboration sa Kapuso Network.
May nakatsikahan kami at inamin kung saan ipapalabas ang GGV at siyempre, sa Kapamilya channels at hindi kasama ang TV5.
“Wala akong idea kung ano ‘yung deal ni Ate Vice sa Kapatid Network, GMA lang meron ako dahil nasa calendar na namin,” kaswal na sagot ng aming kausap sa tanong namin.
Kamakailan kasi ay nagkaroon ng pirmahan ng collab ang MediaQuest for a show with Vice at wala namang binanggit kung anu-ano ang mga ito at kung kailan mangyayari.
At nabanggit nga sa amin na sa GMA-7 ang GGV at inaayos na ang mga detalye, kaya lang, hindi pa rin kami binigyan kung ano’ng araw ito eere.
Ang daming naka-miss sa GGV show ni Vice dahil naging habit itong panoorin ng lahat hanggang sa ibang bansa tuwing Linggo ng gabi bago sila matulog at kinabukasan ay ito ang tsikahan sa bawat miyembro ng pamilya at ng mga nasa opisina. Kaya naman ‘yung iba ay pinapanood ang show sa YouTube (YT).
Nawala sa ere ang programa nu’ng pandemic dahil sa panahong iyon ay huminto lahat ng uri ng entertainment.
Magtapat na ang mga sikat na Kapamilya artists mula sa Star Magic at Thai BL (boys’ love) actors mula sa GMMTV Thailand para sa inaabangang Star Magic All-Star Games 2026, na mapapanood din nang live online sa Agosto 23 (Linggo) nang 1 PM.
Puwedeng maki-cheer saan ka man sa mundo para sa kauna-unahang SEAbling (Southeast Asia Siblings) Showdown dahil mapapanood ang laro sa pamamagitan ng dalawang livestream options – sa pag-join sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) membership o pag-book sa iWant Tickets website.
May kasama rin itong exclusive All-Star Fancam access para mas matutukan ng mga fans ang kanilang paboritong mga Star Magic artists.
Tatlong bigating laro at tapatan ang naghihintay sa mga fans, tampok ang inaabangang main basketball match ng Team Star Magic Shooting Stars laban sa Team GMMTV Thailand; volleyball face-off ng Lady Spikers kontra Lady Warriors; at junior basketball clash ng Team Blue laban sa Team Red.
Samantala, maaari ring iboto ng mga fans ang kanilang paboritong Star Magic artists sa pamamagitan ng ABS-CBN YT Super Chat sa tatlong kategorya: Fancam Fave, kung saan maaaring iboto ang sinumang players sa Team Star Magic Shooting Stars, junior basketball, at women’s volleyball; Fave Duo, kung saan nominado ang FranSeth (Francine Diaz & Seth Fedelin), JMFyang (JM Ibarra at Fyang Smith), LelQuin (Carmella Ford & Joaquin Antonio Arce), at ArJas (Argel Saycon & Jas Dudley-Scales); at Fave Muse, na nominado sina Jane De Leon, Francine Diaz, at Eliza Borromeo.
Pangungunahan nina Gerald Anderson at Ronnie Alonte ang Team Star Magic kasama ang reigning Rookie of the Year na si JM Ibarra, pati na sina Emilio Daez, River Joseph, Jeremiah Lisbo, Ashton Salvador, Argel Saycon, Elyson De Dios, JV Kapunan, at Tristan Ramirez.
Kasama naman sa Team GMMTV Thailand sina AJ, JJ, Neo, Joss, Gawin, Ryu, Aston, Marc, Ping, at Teshow.
Tampok naman sa Team Blue sina Diego Gutierrez, Iñigo Jose, Dylan Yturralde, Josh Worsley, Rave Victoria, Dustine Mayores, Jan Silva, Binsoy Namoca, Rocky Labayen, Marc Nanninga, at Wakin. Kabilang naman sa Team Red sina Seth Fedelin, Robbie Jaworski, BGYO Mikki Claver, Joaquin Arce, Fred Moser, Marc Santiago, Andrez Del Rosario, Lance Lucido, Ice Almeria, Russu Laurente, at JP Cabrera.
Pangungunahan naman ni Captain Ball Reign Parani ang Lady Warriors Blue Team kasama sina Rans Rifol, Gillian Vicencio, Jas Dudley-Scales, Rain Celmar, Kolette Madelo, at Leona Andalio.
Habang tampok naman sa Lady Spikers Red Team ang 5-time MVP (Most Valuable Player) na si Analain Salvador, Lella Ford, at Fyang Smith, kasama sina Vivoree, Magui Ford, Janah Zaplan, Ai Dela Cruz, Isabel Laohoo, at Sophie Reyes.
Makisaya sa pangmalakasang showdown at i-stream ang SEAbling Showdown: Star Magic All-Star Games 2026 live sa ABS-CBN Entertainment YT membership at iWant Tickets ngayong Agosto 23, at 1 PM.





Comments