top of page

Nautakan daw ng misis sa pera… DEREK, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NILA NI ELLEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 4 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 30, 2025



IG @derekramsey / FB Ellen Meriam Adarna

Photo: IG @derekramsey / FB Ellen Meriam Adarna



Sinagot agad ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang blind item ng Pambansang Marites na si Xian Gaza.


Sa Facebook (FB) page ng naturang influencer noong Linggo, may tsika siya tungkol sa showbiz couple na ang celebrity guy ay isang billionaire.


“Eh paano ngayon ‘to? Kasal sila. Walang divorce sa Pilipinas. Eh peso billionaire si celebrity guy. May prenup bang pinirmahan si super famous celebrity girl? O waley?


“So meaning to say, may habol s’ya sa bilyones ni guy? Tapos ‘yung anak nila, may habol din sa yaman ng kanyang ama? Under the guardianship ni girl? Is this the masterplan from the start?


“Nautakan ba s’ya ni babae? OMG! Nakakaloka iisipin ko pa tuloy ‘to ngayon paano ako makakatulog nito mamaya mygaaahd,” ang pa-blind item (BI) ni Xian.


Kasunod nito ay nagsabi na siya ng pangalan kaya naman madali nang nahulaan ang kanyang BI. Idinamay niya si John Lloyd Cruz na kesyo hindi raw pinakasalan ni girl.

“Si JL (John Lloyd Cruz) hindi n’ya pinakasalan kasi wala s’yang mapapala. Ang makukuha lang n’ya ay kalahati ng lupa sa paso at limang banig ng Biogesic.


“Pero etong isa, pinakasalan n’ya agad-agad after a few months of relationship. Pinagplanuhan. Mautak,” ani Xian.


Unang nag-react si Ellen sa pamamagitan ng kanyang Instagram (IG) Stories.

“Ang daming nag-tag. Kailangan ko na ng Biogesic,” sey ni Ellen habang hinihimas ang ulo.

Dagdag niya, “Paano ko pakakasalan hindi naman nag-propose,” na tila sagot sa sinabi ni Xian na hindi niya pinakasalan si Lloydie dahil wala siyang mapapala.


Tungkol naman sa billionaire si celebrity guy, saad ng misis ni Derek, “Billions! Oh my God billions! The only billions, ang anino ng billions na nakikita ko ay sa flood control lang.”


Kasunod nito ay inisa-isa ni Ellen ang mga bilyonaryo na alam niya tulad ng Sy Family, Gokongwei, Zobel, Aboitiz, Tan, Lucio Tan, Villar, Zaldy Co, Discaya.


Pero in fairness ay ipinagtanggol niya si Lloydie na, as we all know ay ama ng anak niyang si Elias Modesto. Tinawag niya itong Biogesic na isa sa mga sikat na ineendorso ng aktor.


“And ‘wag mong ismolin si Biogesic because simple lang s’ya. Ikaw, you don’t know but ang assets no’n, I know, you know,” sey ni Ellen.


Resbak pa niya kay Xian, “And kung maki-Marites ka man lang, at least get everything right like everything. Mahirap naman sabihing unreliable source, I’m a liar.”


Pagkatapos ng kanyang litanya ay makikitang naka-smile na si Ellen. 


“‘Yan na, um-effect na ‘yung Biogesic. Good night,” sey niya.


Samantala, kahapon ng umaga naman sumagot si Derek tungkol sa post ni Xian. Mariin niyang itinanggi ang blind item.


“Morning guys. So there’s this issue about Mr. Xian Gaza, uhm, I’ll just keep this very simple. There’s no truth to anything that he said, that’s it, guys. That’s all I have,” pahayag ni Derek.

Kapansin-pansin lang na mukhang hindi nga magkasama sa bahay sina Ellen at Derek.


Magkahiwalay kasi sila ng video na dati naman ay parating magkasama. Makikita sa video ni Derek na kagigising lang niya at wala sa tabi niya si Ellen na dati namang lagi niyang katabi.



NAGPAHAYAG ng paghanga ang pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa mga matatapang at makabayang showbiz personalities tulad nina Sarah Geronimo, Vice Ganda, Anne Curtis, atbp..


Ang mga nabanggit na artista ay buong-tapang na nagpahayag ng pagkontra sa malawakang korupsiyon sa flood control projects.

Marami sa kanila ay nakiisa rin sa kilos-protesta kontra korupsiyon na isinagawa sa Luneta at EDSA noong Sept. 21.


Saad ni Lim, “Hinahangaan namin ang katapangan at pagka-makabayan ng mga kabataang nagpapahayag para sa mabuting pamamahala. Ang mga personalidad sa entertainment tulad nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Vice Ganda, David Licauco, Dingdong Dantes, Angel Locsin, Dustin Yu, Nadine Lustre, Kim Chiu, Jodi Sta. Maria at marami pang iba ay naglalatag ng isang makabuluhang halimbawa ng pakikilahok sa lipunan.”


Samantala, sa pangunguna ni Lim, binasbasan ng grupo ang pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival, na nakatakdang ganapin sa October 6, kasama ang panalangin para sa kapayapaan.


Nangako rin ang FFCCCII na ipagpapatuloy ang paglilingkod sa mga biktima ng kalamidad (tulad ng Bagyong Opong) at pagpapatayo ng mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang parte ng bansa.


Kilala bilang Mooncake Festival, ang sinaunang pagdiriwang na ito ang pangalawang pinakamahalagang tradisyon sa kulturang Tsino na sumisimbolo sa pagsasama-sama ng pamilya at pagpapasalamat.


Nakikiisa sa diwa ng pagdiriwang na nagbubuklod sa lahat, muling patutunayan ni Lim ang matatag na pangako ng FFCCCII sa mga programa nitong corporate social responsibility.


Kabilang dito ang pagdo-donate ng mga gusali para sa pampublikong paaralan sa kanayunan, pagtulong sa mga biktima ng mga kalamidad at pagsuporta sa mga kabayanihang pagsisikap ng mga Filipino Chinese fire volunteer brigade sa buong bansa.


Dagdag pa rito, ipinahayag niya ang paghanga ng Federation sa idealismo ng kabataan, lalo na ng mga personalidad na ginagamit ang kanilang plataporma upang isulong ang pagbabago laban sa katiwalian.


Mananatili umanong tapat ang FFCCCII sa pagpapalago ng mas matibay na ugnayan ng mga kultura at sa pag-aambag sa pag-unlad ng bansa, na isinasabuhay ang mensahe ng Mid-Autumn Festival na pag-asa at pagbabahagi ng biyaya sa kapwa.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page