Fake news daw na may umatras na… HEART, 47 PA RIN ANG ENDORSEMENTS
- BULGAR
- 12 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 29, 2025

Photo: Heart Evangelista / IG
Sa mga hindi nakakaalam, for this year alone, nasa 47 ang total ng active brand endorsements and collaborations ng aktres at global fashion icon na si Heart Evangelista. Kung tutuusin ay mas marami pa nga ngayon ang kanyang mga endorsements kaysa noong mga nakaraang taon.
Kaya nakakatawa ang mga nagsasabing ginagastos ni Heart ang kaban ng bayan dahil sa umano’y pagkakasangkot ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero sa corruption.
Unang-una, laking-mayaman nga si Heart at bata pa man siya ay talagang living in luxury na siya kahit hindi magtrabaho.
Pangalawa, sa kanyang mga endorsements na ito pa lang ay sobra-sobra na talaga para mabuhay siya nang marangya.
Hindi rin totoo ang latest tsika na nilayasan na siya ng kanyang mga endorsements at bilang paglilinaw dito ay naglabas ng statement ang Sparkle GMA Artist Center.
Nag-post sa Instagram (IG) ang Sparkle ng screenshot ng news item na nagsasaad na binitiwan na si Heart ng kanyang mga endorsements at tinatakan ito ng naghuhumiyaw na “FAKE!”.
Mariing pahayag ng Sparkle sa caption, “FAKE NEWS ALERT! THIS IS NOT TRUE!”
Nagbigay din ito ng babala sa publiko na huwag magpaloko sa mga fake news.
“Don’t be fooled by fake news! Always be vigilant when reading articles online,” ang mensahe ng Sparkle sa publiko.
Nauna rito, kamakailan lang ay sinagot ni Heart ang mga bashers sa akusasyon na pera ng bayan ang ipinambibili niya ng kanyang mga luho.
Ayon sa global fashion icon sa kanyang Instagram (IG) Live, pinaghirapan niya ang lahat ng kanyang ginagastos mula sa kanyang pagtatrabaho simula pa noong bata siya.
Nagbanta rin si Heart Evangelista na magsasagawa ng legal action sa lahat ng naninira sa kanyang reputasyon at pangalan.
After kumalat na break na… RESTO NG FIANCEE NI RYAN BANG, MAGSASARA NA
NAGLABAS ng closure announcement ang fiancée ni Ryan Bang na si Paola Huyong sa kanyang Instagram (IG) page.
Inanunsiyo ni Paola na isasara na niya ang kanyang restaurant sa Quezon City na Siesta Horchata ngayong Nobyembre.
“Thank you for making us possible. Siesta Horchata will be closing this November 2025,” ang nakasaad sa official IG page ng nasabing resto.
Sa isa pang official statement ay nagpasalamat si Paola sa lahat ng tumangkilik ng kanyang restaurant.
“We don’t know exactly what’s next, but we’re leaving with full hearts and deep gratitude,” saad pa niya.
The announcement was made sa gitna ng mga bali-balita na hiwalay na sina Ryan at Paola na na-engaged noong Hunyo 2024.
Nagsimulang umugong ang balitang hiwalay na ang magdyowa early this month nang mapansin ng mga netizens na wala na sa IG account ni Paola ang lahat ng larawan ni Ryan, pati na ang kanilang engagement photos.
Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na statement ang dalawa para i-address ang rumored breakup, pero dahil sa latest announcement na ito ni Paola sa pagsasara ng kanyang resto, marami ang naghinala na maaaring totoo nga ang balitang hiwalay na sila.
Alam ng marami na sa building na kinaroroonan ng Siesta Horchata ay matatagpuan din ang Paldo, ang Korean restaurant na pag-aari ni Ryan Bang.
Comments