Nauntog na… AIKO, SOBRANG PAYAT, THYROID NADALE
- BULGAR

- 1 day ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | July 19, 2026

Photo: IG _aikomelendez
Nagkaroon ng problema sa thyroid ang aktres-pulitiko na si Aiko Melendez, na ibinahagi niya sa kanyang Facebook (FB) account.
Aniya sa kanyang FB post, “Today, I had my consultation with Dr. Allan Dampil, my endocrinologist, as we continue to address my thyroid condition. This journey has reminded me that listening to our bodies and seeking the right medical care is an act of self-love, not weakness.
“To everyone who has been praying for me, checking in on me, and sending messages of encouragement, thank you from the bottom of my heart. Your prayers and kindness truly mean so much to me.”
Kung may gusto raw siyang i-share, “Don’t ignore the signs your body is giving you. Early consultation and proper treatment can make a world of difference.
“Trust the process, trust your doctors, and above all, trust God’s perfect timing. One step at a time toward better health.”
Maraming kaibigan at press friends ang nagkomento at nagdasal para sa maaga niyang paggaling.
Mensahe ng netizens…
“Sobrang diet po, Ma’am Aiko Melendez, ang dahilan ng iyong FT3 (Free Triiodothyronine) issue. Kaya nagkaproblema ka sa thyroid. Napansin ko kasi na namayat ka nang sobra. Nu’ng nagkita tayo nu’n ay maayos naman ang iyong katawan. God bless your health.”
“Konsehal Aiko Melendez, nakaka-inspire po ang inyong katatagan at pananampalataya. Bilang isa rin pong may hyperthyroidism, nauunawaan ko ang pinagdaraanan ninyo.
Patuloy akong nananalangin na gabayan ng Panginoon ang inyong mga doktor at maging maganda ang lahat ng resulta. Salamat sa pagpapaalala sa ating lahat na pahalagahan ang ating kalusugan at ‘wag ipagwalang-bahala ang mga senyales ng ating katawan. Patuloy po kayong pagpalain at bigyan ng ganap na kagalingan. God is good!”
“May God heal you from the top of your head to the soles of your feet. I, myself, underwent medical treatment for a thyroid problem 20 years ago. Trust in the healing power of God.”
“Meron ka pang mission in your public service. GOD BLESS!”
Mahigit 10 taon na pala ang relasyon nina Jake Vargas at Inah de Belen, at 5 yrs. naman silang magka-live-in.
Ayon sa aktor, mas tumibay pa ang pagmamahalan nila sa paglipas ng panahon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Jake na hindi nawala ang pagmamahal niya kay Inah at lalo niyang inirerespeto ang partner at ang pamilya nito.
Ayon kay Jake, natural lang na nangyari ang pagli-live-in nila ni Inah at si Janice de Belen ang nag-suggest ng ganitong setup upang mas makilala nila ang isa’t isa.
Tungkol sa kasal, sinabi ni Jake na madalas ay si Inah ang nagtatanong kung kailan sila magpapakasal.
Ang lagi niyang sagot ay “Mangyayari.”
Dagdag pa niya, ayaw nilang madaliin ito at gusto nilang pareho silang handa kapag dumating ang tamang panahon.
Inilarawan naman ni Jake si Inah bilang kanyang ‘pahinga’ at ‘kaligayahan’ at sinabi niyang pakiramdam niya ay may kulang kapag wala ito sa tabi niya.
IBINAHAGI ni Mika Salamanca sa kanyang Instagram (IG) ang naging paglahok niya sa isang feeding program para sa mga batang may malnutrisyon sa Helping Land, Tondo, Maynila.
Sey niya, “Yesterday was one of those days na alam kong ‘di ko makakalimutan.
“Alam ko namang may malnutrition. We hear about it all the time. Pero seeing it with my own eyes was a completely different experience.
“Meeting these kids, seeing them underweight, some of them without slippers... Ang sakit pala talaga sa puso. It made me realize how many things we take for granted every single day.”
Ayon pa kay Mika, hindi lamang ito isang araw na outreach activity. Layunin ng programa na tuluy-tuloy na matulungan ang mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansiyang pagkain at gatas, paglalaan ng gamot at regular na pagmo-monitor sa kanilang kalusugan, pamimigay ng tsinelas at school supplies, at patuloy na suporta sa mga pamilya ng mga benepisyaryo.
Ibinahagi rin ni Mika na naging makabuluhan ang karanasang ito para sa kanya.
Marami ring netizens ang nagpahayag ng paghanga sa young actress-singer dahil sa paggamit niya ng kanyang plataporma upang suportahan ang isang programang naglalayong magbigay ng pangmatagalang tulong sa komunidad.
Sey pa ni Mika, “I left Tondo with a heavy heart.”
“‘Di dahil nawawalan ng pag-asa, but because I realized this is happening around us every single day. We know it exists, but sometimes it doesn’t get the attention it deserves until we're standing right in front of it.”
Panawagan pa niya, “If you're in a position to help, even in a silent way, please do. You don’t have to change the whole world, but you can absolutely help change someone’s world.
“To the kids we met, thank you for reminding me what resilience looks like.”
Pinasalamatan din niya ang mga taong tumutulong sa feeding program para sa mga batang may malnutrisyon.
Aniya, “Thank you. The work you do matters more than words can ever express.”
Pinuri ng mga netizens ang kababaang-loob ni Mika.
“Thank you, Miks, for this. Nakaka-inspire and please continue doing this.”
“Our big winner with a big, big heart.”
“Thank you for your voice.”
“Your kindness and genuine heart inspire so many people. Continue to be a blessing to others, and may God continue to shower you with more blessings beyond your prayers and expectations.”
“Ang ganda ng puso mo, Mika.”





Comments