top of page
Dennis, Claudia at Basti - Circulated.jpg

Naunahan pa raw ng utol na si Rere… RURU, KINAKANTIYAWAN NANG PAKASALAN SI BIANCA, DEDMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 30, 2026



Ruru Madrid at Bianca Umali

Photo: Ruru Madrid at Bianca Umali / File / Circulated




Itinutulak ang aktor na si Ruru Madrid na sumunod na sa kanyang younger sister na si Rere Madrid na nagpakasal sa basketbolistang si Kai Sotto kamakailan.

Naunahan pa raw ni Rere si Ruru na mag-asawa. Puwedeng-puwede na rin daw ang aktor kung tutuusin.


Siyempre, ang nobya ni Ruru na si Bianca Umali ang hinihintay ng mga netizens na pakasalan ng Kapuso actor.


Nasa edad na rin naman sila. Si Ruru is 28 and Bianca is 26. Matagal na rin ang kanilang relasyon.


At higit sa lahat, parehong stable na ang kani-kanilang career.

Sa recent post ni Ruru Madrid sa Instagram (IG) ng pictures nila ni Bianca habang nagbabakasyon sa gubat, nanawagan ang mga followers ng aktor na magpakasal na rin sila pagkatapos ni Rere.


Sey ng mga netizens…

“Ikinasal na si Queen Rere. Kayo naman, kailan?”

“Ano ba? Pakasalan mo na ‘yan, huy. Nauna pa kapatid mo.”

“‘Kakilig kayo. Please, pakasal na kayo.”

“Feel ko, sila na ang sunod na magpapakasal.”

Why not, Coconut?





USAP-USAPAN lagi ang pagtulong na ginagawa ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi sa ating mga kababayan. This time, isang senior citizen na jeepney driver naman ang kanyang natulungan. 


Leading lady si Ivana ni Joshua Garcia sa Love Is Never Gone (LING).

Binigyan ni Ivana ng P30 thousand na ayuda ang jeepney driver matapos niyang mapanood ang viral video sa TikTok (TT) na ibinahagi ng uploader na si Rio.


Bukod dito, may kasama pang sari-sari store package na nagkakahalaga ng P50K.

Noong May 21, ikinuwento ni Rio ang kanyang firsthand experience bilang pasahero ng 77-year-old jeepney driver na si Roberto, na nasangkot sa aksidente

matapos makabangga ng isa pang sasakyan. 


Naantig si Ivana sa sinapit ni Tatay Roberto kaya agad siyang nagpaabot ng tulong.


Naging emosyonal si Tatay Roberto nang matanggap ang ayuda. Malaking tulong daw ito sa pagbili ng kanilang gamot ng asawa niya.


“Talagang ‘di ako makapaniwala na ganito na ang nangyayari. Ganito lang ang buhay ko, may taong tumutulong sa akin ngayon. Thank you, Lord. Thank you, Ivana,” aniya.


Pinasalamatan din ni Tatay Roberto ang nag-upload ng video sa TikTok.

As of Saturday, umabot na sa P194,865.59 ang kabuuang donasyong natanggap ni Tatay Roberto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page