Natuwa pa ang netizens nang magka-COVID ang pasaway si Sinas at mayabang naman si Roque
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 17, 2021
DESPERADO NA ANG GOBYERNO, MAG-ASAWA AT MAG-JOWA NA TODO-PDA, IPAHUHULI—Kamakailan, inihayag ni PNP spokesman, Brig. Gen. Ildebrandi Usana na dahil sa patuloy na pagdami na naman ng mga tinatamaan ng COVID-19 ay darakpin ng kapulisan ang mag-asawa o mag-jowa na mahuhuli sa aktong magka-holding hands sa publiko dahil sa isyung close contact.
Napaka-desperado naman ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19. Imagine, pati ang mag-asawa at mag-jowa na magka-holding hands in public ay hindi nila palalampasin. Tsk!
◘◘◘
MGA ‘TONGPATS’ COLLECTOR AT GAMBLING LORDS, MAY CLOSE CONTACT DIN KAYA DAPAT HULIHIN SILA—Kung desidido ang PNP na ipatupad ang panghuhuli sa mag-asawa o mag-jowa na todo-PDA, dapat ipahuli na rin ni Gen. Usana ang mga nagpapakilalang “tongpats” collector ng PNP at mga gambling lords.
Nagkakaroon din kasi ng close contact ang mga gambling lords at mga nagpapakilalang “tongpats” collector na sina “Berlin” ng Camp Crame; “Madam Reyna”, “Cesar Pilosopo” at “Ad-Juan” ng NCRPO (National Capital Regional Police Office) at “Jake” ng NPD (Northern Police District) kapag ibinibigay na ang weekly payola bilang protection money sa raket ng mga ilegalista, boom!
◘◘◘
NAGBUNYI ANG MGA TAMBAY SA SOCIAL MEDIA NANG MAGKA-COVID ANG PASAWAY NA PNP CHIEF AT AROGANTENG PRESIDENTIAL SPOKESMAN—Sa tuwing may kilalang personalidad na nababalitang tinatamaan ng COVID-19, nalulungkot ang publiko, pero nang ianunsiyo nina PNP Chief Gen. Debold Sinas at Presidential spokesman Harry Roque na sila ay nagka-virus, imbes na kaawaan ay nagbunyi pa ang netizens sa social media.
Kunsabagay, may puntong magbunyi ang netizens kasi naturingang PNP chief si Sinas ay sobra naman siyang pasaway at porke naging spokesman lang ng pangulo ay naging arogante at madalas nang magtarayan si Roque ang publiko, period!
◘◘◘
AABOT NA SA 20K DAILY ANG TATAMAAN NG VIRUS NGAYONG ABRIL, PERO ILANG PDP-LABAN MEMBERS, SA ‘P-DUTERTE FOR VP’ ANG POKUS—Imbes na pakinggan ang sinabi ng kanilang PDP-Laban president na si Sen. Manny Pacquiao na huwag munang mamulitika at magpokus sa pagtulong sa mamamayang apektado ng pandemya ay itinuloy pa rin ni PDP-Laban Deputy Secretary General Melvin Matibag ang paggawa ng manipesto na kumukumbinsi kay P-Duterte na kumandidatong bise-presidente sa 2022 election.
Sobrang pasaway din talaga ng mga kasamahan sa PDP-Laban ni Pacman kasi mantakin n’yo, ang dami na namang tinatamaan ng virus at posibleng umabot umano sa 20K daily ang magkaka-COVID mula ngayong Abril 2021, tapos pamumulitika pa rin kanilang inaatupag, mga pwe!





Comments