ni Angela Fernando - Trainee @News | February 27, 2024
Pagsali ng Sweden sa North Atlantic Treaty Organization (NATO), inaprubahan ng Hungary parliament.
Matatandaang sinubukang mag-apply ng Sweden upang maging NATO member simula ng umatake ang Russia sa Ukraine nu'ng 2022.
Hindi ito agad nakapasok sa Hungary matapos maakusahang galit ang Sweden kaya sinusubukan nitong makapasok sa NATO.
Nagpahayag si Hungary Prime Minister Viktor Orban, na handang mamatay ang dalawang bansa para sa isa’t-isa kaya nito inaprubahan.
Sinabi naman ni Swedish Prime Minister Ulf Kristersson na makasaysayang araw ang naging pag-apruba ng Hungary.
Sa kabilang banda, nagpapakita ng mas pinatibay na alyansa ang naging desisyon ng Hungarian parliament, ayon kay NATO Sec. General Jens Stoltenberg.
Comments