top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Natitirang COVID-19 vaccines, ‘di dapat masayang

BULGAR
Apr 22, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | April 22, 2022


Dahil sa pagbaba ng vaccination rate sa bansa, inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez na malabong makamit ng pamahalaan ang target na makapagbakuna ng 90 milyong Pilipino kontra COVID-19 bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo.


Paliwanag ni Galvez, mula sa dating mahigit 27 milyon na dami ng nabakunahan noong Nobyembre 2021, bumaba ito sa 6.7 milyon doses noong Marso ngayong taon. Habang tinatayang nasa 2.5 milyon pa lamang ang nababakunahan ngayong Abril.


Dagdag pa nito, kasabay ng simula ng panahon ng halalan na sinundan ng religious gatherings at local rallies, nakitaan na rin ng pagbaba sa bilang ng mga nagpapabakuna.


Gayunman, hindi lamang umano sa Pilipinas nangyayari ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna kundi maging sa buong mundo.


Samantala, posible umanong nasa 70 hanggang 77 milyon lamang ang mabakunahan ng pamahalaan at umaasa aniya sila na mapapataas pa ito nang hanggang 80 milyon sa pagtatapos ng Hunyo.


Bagama’t nakikita na natin ang posibleng mangyari sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte, ano na ang susunod nating gagawin? Mayroon pa bang ibang plano para matiyak na uusad pa rin ito kahit ano’ng mangyari?


Hindi puwedeng umasa lang tayo na magpapabakuna ang ating mga kababayan at maghintay ng huling araw ng administrasyong Duterte.


Tandaan, paulit-ulit na ipinaalala ng mga eksperto na mahalaga pa rin ang pagpapabakuna kontra COVID-19, lalo pa’t may panganib pa rin ng sakit at bagong variant nito.


Isa pa, kailangan nating matiyak na walang masasayang na bakuna, kaya plis lang, galaw-galaw tayo nang sa gayun ay mapakinabangan ang mga natitirang doses.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page