National Security Policy 2023-2028, aprub ni P-BBM
- BULGAR
- Aug 13, 2023
- 2 min read
ni Ryan Sison @Boses | August 13, 2023
Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang National Security Policy 2023-2028, upang “epektibong tugunan ang mga hamon sa pambansang seguridad,” pahayag ng Malacañang, kahapon.
Sa paglagda ng Pangulo sa Executive Order No. 37 noong Agosto 10, sinabi ni P-BBM na mahalagang magbigay ng blueprint at gabay sa pagpapabuti ng pamamahala sa security sector.
Batay sa EO37, “[There was a] need to harmonize the national security efforts of the government and ensure that they are responsive and complementary to the development goals and objectives set forth in the Philippine Development Plan 2023-2028.”
Iniutos naman ni Marcos ang mga ahensya ng gobyerno, instrumentalities, at local government offices na gamitin o i-adopt ang National Security Policy kapag sila ay gumawa at nagpatupad ng kanilang mga istratehiya at programang may kinalaman sa seguridad.
Kung kakailanganin ng suporta, ayon sa Pangulo ang National Security Council (NSC) ay dapat magbigay ng technical assistance sa mga ahensya at kapag bumuo sila ng mga polisiya na may kaugnayan sa national security.
Ang National Security Adviser (NSA) ay may direkrtiba rin na gumawa ng isang periodic assessment of policy at magsumite ng mga reports sa Pangulo, gayundin ang mahigpit na pakikipagtulungan sa mga ahensya at lokal na pamahalaan sa paghahanda at pagpapatupad ng polisiya.
Nakasaad pa sa EO, “For this purpose, the NSC, through the NSA, shall monitor the implementation of the NSP 2023-2028, and upon consultation with and concurrence of relevant government agencies, GOCCs, and LGUs, shall propose memoranda, circulars and other orders related to the implementation thereof, for the approval of the President.”
Mainam ang naging kautusan ng pamahalaan para sa ating bansa.
Lalakas ang pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng gobyerno, GOCCs, LGUs, at iba pang sektor ng ating lipunan.
Hindi lingid sa mamamayan ang mga nararanasan nating pagbabanta mula sa ibang mga bansa na nag-iisip na tayo ay sakupin.
Gayunman, kung may ganitong mga plano at desisyon ang kinauukulan mas magiging matatag ang seguridad ng ating bansa.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments