National Artist award, oks lang na ‘di ibigay sa kanya… GOV. VILMA: MGA KONTRIBUSYON KO SA SHOWBIZ SA 63 YRS., SAPAT NA!
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 23, 2026

Photo: FB Vilma Santos-Recto
Wala pa ring kupas ang karisma at ningning ng nag-iisang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto.
Witness kami at ilang miyembro ng entertainment media kung paano siya dinumog ng mga Batangueño sa kanyang first State of the Province Address (SOPA) last Monday.
Naka-one year na kasi si Ate Vi sa kanyang pagbabalik bilang gobernador ng Batangas. At nakaka-impress na ang dami na niya agad nagawa para sa kanyang mga kababayang Batangueño sa loob lamang ng isang taon.
Isa sa mga pangunahing tampok sa ulat ni Governor Vi ay ang patuloy na pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan.
Inamin ni Governor Vi na unang hiniling ng mga kababayan niya ang maayos na ospital, napabayaan daw kasi ito kaya iyon agad ang tinutukan niya.
Pangalawa ang edukasyon na mas pinalawak ng Kapitolyo ang suporta. Imagine, more than P400 million ang inilaan para sa edukasyon ng mahigit 76,000 Batangueño scholars na dati ay 42,678.
Mas pinalawak din daw ang suporta ni Gov. Vi sa agriculture, tourism, environment, at social services.
No wonder kung bakit hindi na muna itinuloy ni Governor Vi ang paggawa muli ng pelikula pagkatapos ng Uninvited. May napusuan pa naman siyang proyekto mula sa script ng National Artist na si Ricky Lee.
“Supposedly, gagawin ko na sana, ‘no? Uh, because of more important circumstances, I had to choose, eh,” pahayag ni Governor Vi nang hinarap niya ang media pagkatapos ng kanyang SOPA na ginanap sa Batangas Province Events Center.
Dahil first year pa lang daw niya, kulang ang panahon niya para asikasuhin ang kanyang
mga proyekto. Kaya hindi raw niya maiwan ang Batangas.
“Although ang puso ko, eh, nasa showbiz. Nanghihinayang ako. Pero ‘di ko makakalimutan
ang showbiz. I don’t know when, pero given a chance gusto kong gumawa. Ang ganda pa naman ng script. Believe me. Ang ganda-ganda,” bulalas pa ni Governor Vi.
And speaking of National Artist, tinanong namin si Governor Vi tungkol sa reaksiyon niya sa tila nade-delay na announcement ng kinauukulan para sa mga napili bilang National Artist this year.
“Wala akong alam d’yan,” sey ni Governor Vi.
Paliwanag niya, “Showbiz is my life. I started from there. Kung saan man ako naroroon, utang na loob ko ‘to sa showbiz.”
Sa 63 taon daw niya sa industriya, sobrang sapat na marahil ang naging legacy niya at mga naging contribution.
Pahayag ni Gov. Vi, “Siguro naman ay nasuklian nang tama ng industriya ang mga nagawa ko, by making me the person that I am today. And for that, I will be forever grateful, thankful.
“At ‘yung klase rin ng respeto at pagmamahal na ibinibigay ng mga co-workers ko sa industry, mga kapwa-artista, nagtitiwalang producers, writers, mga fans, lahat sila, more than enough na award para sa akin.”
There’s so much in life, ayon pa kay Gov. Vi.
“Life is beautiful. And with the responsibilities that I have, helping other people, which is very fulfilling, and then at the same time, thank you, Lord, for my family. Thank you, Lord, for our health.
“Although it is a prestige for your career. Malaking bagay din. Pero ‘di para kontrolin ang buhay ko. ‘Pag ‘di ko nakuha, ‘di naman. There’s so much in life,” diin pa ni Governor Vi.
True!





Comments