top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Natanggal ang butones, senyales na mapo-promote sa trabaho at kikita ang negosyo

Writer: BULGAR
BULGAR
May 12, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 12, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carol ng Tondo.


Dear Maestra,

Isa ako sa mga tagasubaybay ng inyong column. Namamasukan ako sa isang malaking kumpanya pero dahil sa pandemya, nandito lang ako sa bahay at dito ginagawa ang trabaho ko online. Nagbabalak din akong mag-negosyo online para madagdagan ang kita araw-araw at makaraos sa mga gastusin. Nasisiyahan ako sa pagbabasa ng kahulugan ng mga panaginip sa column n’yo, kaya nais ko ring magpaanalisa ng aking panaginip.

Napanaginipan kong naglalakad ako sa kalsada at maraming tao na nakatingin sa akin, tapos biglang natanggal ang butones sa parteng itaas ng aking polo shirt. Dali-dali ko itong tinakpan ng aking kamay upang hindi makita ng mga tao at umuwi na lang ako agad sa aming bahay na hindi kalayuan sa lugar na ‘yun. Pagkauwi ko, may paruparo na aali-aligid sa akin.

Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Carol


Sa iyo, Carol,

Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na biglang natanggal ang butones sa damit mo. Ito ay nangangahulugan na mapo-promote ka sa iyong trabaho at ang negosyong balak mong umpisahan ay lalago at kikita ng malaki.


Gayunman, ang paruparo na aali-aligid sa iyo ay nangangahulugan naman ng kaligayahan. Kahit panahon ng pandemya, may nakalaang kaligayahan sa iyong buhay. Batid ng Diyos kung paano ka naging matiyaga sa iyong hanapbuhay, kaya naman panahon na para ikaw ay lumigaya at magtagumpay sa buhay.


Huwag mong kalimutang magpasalamat sa Diyos sa paparating na pagpapala at mga biyaya. Gayundin, huwag mong kalimutang ibahagi ito sa iyong pamilya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page