top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Natalo mang cong. sa Taguig… DIREK LINO CAYETANO, BAGONG PCO SECRETARY

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 12, 2026



SHEET - DIREK LINO CAYETANO, BAGONG PCO SECRETARY_FB Lino Cayetano

Photo: FB Lino Cayetano



Mukhang hindi na makakawala si Direk Lino Cayetano sa pagiging parte ng gobyerno ng Pilipinas dahil kakaupo pa lang niya bilang General Manager ng People’s Television Network (PTV-4) nitong Hunyo ngayong taon, heto at siya na ang itinalaga bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office o PCO.


Matatandaang naging barangay chairman siya ng Fort Bonifacio (2010-2013), representative ng 2nd District (2013-2016), at mayor ng Taguig (2019-2022).


Sa termino ni Direk Lino bilang mayor ng lungsod tumapat ang COVID-19 pandemic, kaya naging malaking challenge ito para sa kanya at sa kanyang mga constituents. Gayunpaman, naging maayos ang pagharap niya rito.


Sinubukan niyang kumandidato noong 2025 bilang congressman ng 1st District ng Taguig-Pateros, pero hindi pinalad dahil nakaapekto ang hindi nila pagkakasundo ng kapatid niyang si Sen. Alan Peter Cayetano, bukod pa sa mas sinuportahan ng huli ang kalaban ng sariling kapatid.


At heto nga, siya na ang secretary ng PCO.


Samantala, nagsimula ang karera ni Direk Lino bilang direktor ng StarStruck sa GMA-7, hanggang sa nagdirek na siya ng mga pelikula na kalaunan ay naging producer siya at itinatag ang Rein Entertainment.


Anyway, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na papalitan ni dating Taguig City Mayor Lino si Dave Gomez bilang kalihim ng PCO matapos hindi maaprubahan ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Gomez.





Show, eere na rin sa Kapatid Network… 

TALENTS NG TV5, PASOK SA ASAP XP



SANIB-PUWERSA ang Kapamilya at Kapatid para sa ASAP XP simula sa Oktubre 18, kaya mas marami pang makakapanood at makakapag-enjoy sa paboritong programa tuwing Linggo nang tanghali.


Inanunsiyo ang balita sa ceremonial signing sa ASAP XP event sa Pampanga ngayong araw, na nagpatibay sa kasunduan ng ABS-CBN at TV5 para sa co-production ng programa.


Sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer (COO) Cory Vidanes, at Chief Partnership Officer (CPO) Bobby Barreiro ang kumatawan sa ABS-CBN. 


Sa TV5 naman, sina Chairman Manuel Pangilinan, MediaQuest President at CEO Victorico Vargas, at TV5 Officer-in-Charge (OIC) Chaye Cabal-Revilla ang kumatawan sa network.


Patuloy na mapapanood ang performances ng paboritong Kapamilya stars kasama ang TV5 STAR WORX artists na magiging bahagi na ng programa.

Nakiisa sa selebrasyon ang ASAP XP stars na sina Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Erik Santos, Darren Espanto, Alexa Ilacad, Robi Domingo, Belle Mariano, at Donny Pangilinan, kasama si Dylan Menor, at sina Carmela Lorzano, Selina Griffin, at Nico Matugas ng STAR WORX ng TV5.


Mapapanood ang ASAP XP sa TV5 tuwing Linggo, kasabay ng pag-ere nito sa ALLTV, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), iWant, at TFC.


Mahigit tatlong dekada nang kasama ng mga Pilipino ang ASAP XP tuwing Linggo, hatid ang kantahan, sayawan, at performances ng kanilang mga paboritong stars at mga bagong artist.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page