Natabunan ng mga guho... 97-anyos, himalang nakaligtas sa baha sa Nepal
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 30, 2026

Photo: Circulated / BBC
Buhay na narekober mula sa ilalim ng mga guho ang isang 97-anyos na babae matapos ang matinding pagbaha sa Nepal at kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital, ayon sa mga doktor.
Apat na oras na nagsikap ang mga rescuers bago tuluyang nailabas mula sa mga guho ng kanyang care home si Guna Maya Bohara.
Ayon sa kanyang pamangkin sa tuhod, bumiyahe pa ito mula Kathmandu patungong lugar ng sakuna upang tumulong sa pagligtas sa kanyang matandang kamag-anak.
Ang pagkakasagip kay Bohara ay isa sa iilang nagbibigay ng pag-asa sa gitna ng malawakang kalamidad na ikinasawi na ng daan-daang katao sa Nepal at Tibet mula noong Miyerkules.
Ayon sa mga siyentipiko, pinaniniwalaang nagsimula ang biglaang pagbaha matapos gumuho ang isang glacier sa Himalayan border region, na nagpakawala ng malaking dami ng tubig at debris.
Malawak ang naging pinsala ng baha, kabilang ang pagkawasak ng mga kalsada, tulay at linya ng kuryente sa rutang nag-uugnay sa Kathmandu at Lhasa sa Tibet. Ginagamit din ang rutang ito ng mga trekker at pilgrim na patungo sa rehiyon.
Dahil sa lawak ng pinsala, ilang komunidad ang hindi na maabot sa pamamagitan ng mga sasakyan at tanging helicopter lamang ang maaaring gamitin upang makarating doon. Dahil dito, napipilitan ang ilang rescuers, gaya ni Bohara, na magtungo mismo sa mga disaster zone upang hanapin at tulungan ang kanilang mga kamag-anak na maaaring na-trap sa mga guho.
Libo-libong security personnel na ang ipinakalat upang tumulong sa search-and-rescue operations.
Gayunman, paulit-ulit na nahahadlangan ang rescue operations dahil sa mapanganib na kondisyon sa mga lugar na sinalanta ng baha.





Comments