Nasisita na ng mga bossing… VICE, ABONADO PA SA SHOW MAPASAYA LANG ANG MGA CONTESTANTS
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 7, 2026

Photo: FB Vice Ganda
Inamin ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda na may mga pagkakataong siya mismo ang naglalabas ng sariling pera para sa jackpot prizes sa noontime show na It’s Showtime (IS).
Ayon kay Vice, nagsimula niya itong gawin noong panahon ng pandemya, lalo na sa segment ng Everybody Sing (ES), kung saan mas pinili niyang dagdagan ang tulong sa mga kalahok kahit limitado ang kanyang talent fee (TF).
Hindi raw niya kayang makita na umuuwi ang mga contestants na kulang ang natatanggap, lalo na kung nangangailangan ang mga ito.
Aminado rin siya na minsan ay nasisita dahil sa pagiging ‘mapagbigay’, lalo na kapag pinapadali niya ang mga tanong o nagbibigay ng dagdag na clue para masigurong may maiuuwing premyo ang mga contestants.
Para kay Vice Ganda, mas mahalaga ang makatulong kaysa sa anumang kita, at dito niya nakukuha ang tunay na kasiyahan sa kanyang trabaho.
Umani naman ito ng papuri mula sa mga netizens, na humanga sa kanyang malasakit at pagiging bukas-palad sa kapwa.
Mariing sinagot ni AC Bonifacio ang mga alegasyon ng ilang fans ng BTS matapos siyang akusahan na umano’y gumamit ng koneksiyon para makakuha ng maagang access sa isang BTS-themed event.
Nilinaw ni AC na wala siyang ginamit na anumang koneksiyon at ipinaliwanag na kinuha siya bilang bahagi ng trabaho sa Swimside pop-up experience.
Sa isang detalyadong post sa X (dating Twitter), ipinaliwanag ng dancer-actress na opisyal siyang kabilang sa production at hindi nakatanggap ng espesyal na pribilehiyo.
Ayon pa sa kanya, nadismaya siya sa mga maling kuwento at akusasyon na kumalat online.
“Napakaraming kuwentong binubuo rito… at ‘di ako kailanman nanahimik ‘pag alam kong ‘di ‘to totoo,” ani AC, kasabay ng pagbabahagi na tinatawag na rin siya ng ilang netizens ng mga hindi magagandang salita.
Ipinaalala rin niya na matagal na siyang fan ng BTS simula pa noong 2017 at hindi na niya kailangang patunayan pa ito sa iba.
Dagdag pa niya, hindi rin umano totoo ang mga haka-hakang naging fan lang siya dahil na-follow siya nina J-Hope at Jung Kook, dahil bahagi lamang ito ng settings ng platform.
Sa huli, nanawagan si AC Bonifacio ng respeto sa loob ng fandom at hinikayat ang lahat na ituon ang atensiyon sa pagsuporta sa BTS sa halip na mang-bash.
TODO-GIIT si Sen. Robin Padilla na magiging patas at neutral siya sa oras na umusad ang impeachment trial laban kay Vice-President (VP) Sara Duterte.
Sa kabila ng kanyang hayagang pagsuporta sa pamilya Duterte, tiniyak ng senador na mananatili siyang tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang lingkod ng bayan.
“Ang oath namin ay sa bayan… ang loyalty namin ay sa Konstitusyon,” pahayag ni Padilla, sabay-diin na magkaiba ang personal na paninindigan at ang obligasyon bilang senador.
Matatandaang isa si Padilla sa mga matibay na kaalyado ng pamilya Duterte, kabilang na ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kanyang sinuportahan sa iba’t ibang pagkakataon — even sa pagbisita sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.
Gayunpaman, iginiit niyang mananaig ang batas at ang kanyang panunumpa kung siya ay magiging bahagi ng paglilitis.




Comments