top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nasawi 368 na… 102,619 kaso ng dengue sa ‘Pinas – DOH

BULGAR
Aug 15, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 15, 2022



Umabot na sa kabuuang 102,619 ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, 2022, kung saan 131% na mas mataas kumpara sa nai-record sa parehong period noong nakaraang taon, batay sa tala ng Department of Health (DOH).


Ayon sa National Dengue Data ng DOH sa parehong linggo ay mayroong 44,361 cases na nai-record mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, 2021.


Sa pinagsama-sama, karamihan sa mga dengue cases ngayong taon o 18% ay nai-report sa Central Luzon na may 18,664 kaso, anang ahensiya.


Kasunod ang Central Visayas na may 10,034 (10%) at ang National Capital Region (NCR) na may 8,870 (9%).


Sinabi rin ng DOH na siyam mula sa 17 rehiyon ang nag-exceed sa epidemic threshold para sa dengue sa nakalipas na apat na linggo. Ang mga rehiyon ay Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region, at NCR.


Tumaas naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue sa 368, kung saan nakapagtala ng 0.4% case fatality rate.


Sa mga nasawi, 35 ay naganap noong Enero, 31 noong Pebrero, 38 ng Marso, 46 noong Abril, 64 noong Mayo, 74 noong Hunyo, at 80 nitong Hulyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page