top of page
Search
  • BULGAR

Nasawi, 205 na… 1,467 leptospirosis cases, naitala – DOH

ni Lolet Abania | September 5, 2022



Tumaas ng 15 porsiyento ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa bansa para sa unang 8 buwan ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.


Batay sa record ng DOH, nasa 1,467 cases na ng naturang sakit mula Enero 1 hanggang Agosto 20. Habang nasa 1,278 cases ang nai-report sa parehong period noong 2021.


Sa kabuuang kaso ng leptospirosis, nakapagtala ang Metro Manila ng 19% o 279 cases, kasunod ang Cagayan Valley at Western Visayas, na kapwa mayroong 174 kaso o 12%.


Sa recent period naman mula Hulyo 24 hanggang Agosto 20, kung saan 106 cases ang na-tally, parehong mga rehiyon ang may pinakamataas na mga kaso, maliban sa Western Visayas.


Ang Metro Manila ay nakapagtala ng 36 news cases o 34 %, kasunod ang Cagayan Valley na may 12 cases o 11%, at Davao Region na 10 kaso o 9%.


Ayon sa DOH, “Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas and Davao Region have breached the alert and epidemic threshold within the past 4 morbidity weeks. But no clustering was noted nationwide.”


Sinabi ng DOH, may kabuuang 205 nasawi na dahil sa leptospirosis o 14% case fatality rate. Ang mga namatay ay naitala noong Enero na may 14; Pebrero, 11; Marso, 23; Abril, 32; Mayo, 29; Hunyo, 29; Hulyo, 53; Agosto, 14.


Ayon sa DOH, ang leptospirosis ay isang sakit na naipapasa o transmitted sa pamamagitan ng putik o tubig na kontaminado ng urine o ihi ng infected na hayop.


“It is characterized by fever, headache, chills, muscle pains, conjunctival suffusion (red eyes), and less frequently by meningitis, rash, jaundice (yellowish discoloration of the skin and eyes), or kidney failure,” saad pa ng ahensiya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page