top of page

Nasa 'Pinas pa — Remulla... Patong sa ulo ni Atong, P20M na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by Mai Ancheta @News | February 13, 2026



Photo: Atong Ang / Circulated



Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa P20 milyon mula sa dating P10 milyon ang pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng wanted na negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.


Inanunsyo ito ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa ipinatawag na press conference sa harap ng patuloy na paghahanap kay Ang na akusado sa kasong kidnapping at pagpatay sa  missing sabungeros.


Ayon kay Remulla, ang P20 million reward ay huhugutin mula sa confidential funds ng DILG at Philippine National Police (PNP).


Naniniwala si Remulla na nasa Pilipinas pa si Ang matapos i-report ng mga otoridad sa Cambodia na wala si Ang sa kanilang bansa.


Si Ang ay may tatlong warrants of arrest sa mga kasong kidnapping with homicide kaugnay sa pagkawala ng 34 na mga sabungero sa pagitan ng taong 2021 at 2022.


Naaresto na ng mga otoridad ang 20 kapwa akusado ni Ang sa kaso na kinabilangan ng ilang dismissed police officials at mga aktibo sa serbisyo at tanging ang negosyante na lamang ang hindi pa nasasakote matapos itong magtago sa batas

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page