Naramdaman din sa QC — PHIVOLCS Camarines Norte, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
- BULGAR
- Dec 7, 2022
- 2 min read
ni Lolet Abania | December 7, 2022

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island, Camarines Norte ngayong Miyerkules ng hapon, ayon sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa earthquake bulletin ng PHIVOLCS, naitala ang tectonic na lindol ng alas-1:05 ng hapon na may lalim na 1 kilometro. Habang ang epicenter nito ay nasa layong 19 km N 62° E ng Tinaga Island (Vinzons).
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang Intensity II sa Quezon City.
Kabilang sa mga nai-report na instrumental intensities ay Intensity V sa Mercedes, Jose Panganiban, Camarines Norte; Intensity IV sa Daet, Camarines Norte; Guinayangan, Polillo, Quezon; Intensity III - Ragay, Pili, Iriga City, Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca, Quezon.
Nasa Intensity II sa Tabaco, Albay; Dingalan, Aurora; Batangas City, Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, San Ildefonso, Bulacan; Sagnay, Camarines Sur; Carmona, Cavite; Marikina City, Pasig City, Metro Manila; Gapan City, Nueva Ecija; Pinamalayan, Oriental Mindoro; Guagua, Pampanga; Infanta, Pangasinan; Dolores, Infanta, Calauag, Quezon; Taytay, Tanay, Rizal; at Intensity I sa Legazpi City, Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Dona Remedios Trinidad, Bulacan; Tagaytay City, Ternate, Cavite; Candon, Ilocos Sur; Calamba, Los Banos, Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City, Metro Manila; Mapanas, Northern Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City, Nueva Ecija; Calapan City, Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, Quezon; Angono, Morong, Antipolo, Cainta, Rizal.
Sinabi rin ng ahensiya na asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.
“Inaasahan natin na may aftershocks pa pero sa ngayon hindi pa po inaasahan na may damage at hindi pa rin po inaasahan kung magkakaroon ng tsunami,” saad ni Tom Simborio, PHIVOLCS science research assistant sa isang radio interview.
Paalala naman ni Simborio sa publiko na i-report agad sa mga awtoridad ang anumang pinsala sa kanilang lugar.
“Paalala po sa mga kababayan natin na kung sakaling may damage sa ating lugar ay maireport po sa atin para matignan po nang maigi. At saka always duck, cover, and hold lalo na po sa mga malalapit dahil may inaasahan pa po tayong aftershocks,” dagdag ni Simborio.





Comments