top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Napoles, lumalabas ng selda para sa hearing, magpagamot o umuwi ng bahay???

BULGAR
Mar 17, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 17, 2022


PAGLABAS NI NAPOLES SA KULUNGAN, PARA KAYA DUMALO SA HEARING SA KORTE, MAGPAGAMOT O UMUWI NG BAHAY? – Napapadalas daw ang paglabas ni pork barrel queen Janet Napoles sa kanyang kulungan sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.


Kung pag-attend sa hearing sa korte o pagpapagamot (kung may sakit) sa ospital sa labas ng kulungan ang dahilan kaya siya lumalabas ng kulungan ay walang problema 'yan, pero kung nakakalabas siya ng kulungan para umuwi lang sa kanilang bahay, ibang usapan na 'yan, bad na 'yan.


Paimbestigahan mo nga ito, CIW Supt, Hylene Pancho, please lang!


◘◘◘


PANGDEDEDMA SA MGA DEBATE, NAGPAPATAAS SA RATING NINA BBM AT SARA – Matapos sabihin nina presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos at vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte na hindi sila dadalo sa pa-debate ng Comelec sa March 19, 2022, ay naglabas ng survey ang Pulse Asia na top ang tandem na BBM-Sara.


Aba, eh kung ganyan na kahit pala hindi dumalo sa debate sina Bongbong at Sara ay nakakakuha pa rin sila ng mataas na marka sa mga survey firm, ay lumalabas na wala na pa lang kuwenta sa mga kandidato ang mga nakasanayang debate sa mga pulitiko, period!


◘◘◘


MAY MAGBIGAY PA KAYA NG CAMPAIGN FUND KAY ISKO? – Nagpahiwatig si presidential candidate, Manila Mayor Isko Moreno na kinakapos na ang kanyang pondo sa pangangampanya, umaasa raw siya na may mga magbibigay pa ng campaign funds sa kanya sa laban niya sa 2022 presidential election.


Eh ang tanong: Magbigay naman kaya, lalu't sa interview noon kay GMA network host Jessica Soho ay nadulas siya na ibinulsa niya ang sobrang campaign funds na P50-M nang tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016 election, boom!


◘◘◘


ROBIN PADILLA 'MANOK' DIN NG PULSE ASIA – Sa latest survey ng Pulse Asia tungkol sa mga senatoriables ay pinalalabas ng survey firm na mananalo raw ang action star na si Robin Padilla, at posible na ang ranking nito sa pagka-senador ay 5 to 9.


Kung ganu'n lumalabas daw na "manok" din ng Pulse Asia sa pagka-senador si Robin?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page