Napoles at Galanza, bumida sa pag-champ ng Braves sa 3X3
ni Gerard Arce - @Sports | September 20, 2022

Tinapos nina Jorey Napoles at Bong Galanza ang matagal na paghihintay sa daan patungo sa kampeonato para sa Cavitex Braves ng mapagwagian ang Season 2 ng Leg 2 ng PBA 3X3 Lakas ng Tatlo noong Linggo sa Robinson's Novaliches sa Quezon City.
Matapang na pinagbidahan nina Napoles at Galanza ang Braves para paligwakin ang pahirapang panalo tungo sa 21-19 kontra sa three-leg winner na San Miguer Beer sa leg finale.
Hindi na bago sa mga bakbakang laban si Napoles na napabilang sa Season 1 First Conference titlist na Limitless App Masters kasama si 2022 PBA first overall pick Brandon Ganuelas-Rosser, ipinakita ang malalim na karanasan nang isalpak ang kinakailangang floater, para mahigitan ang leg runner-up finish kontra sa paboritong SMB team.
Nagamit ng Gilas Pilipinas 3X3 player, na nagwagi ng bronze medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam nitong Mayo, tumapos ng 7 puntos upang sundan ang mainit na laro ni Galanza na may 8 puntos.
Naunang pinataob ng Cavitex ang leg 1 runner-up winner na Meralco Bolts 3X3 sa semis sa 17-16 at leg 1 third placer na Platinum Karaoke sa quarterfinals sa 14-12.
Napagwagian ng grupo nina Galanza, Napoles, Chester Saldua at Dominic Fajardo ang premyong P100,000 para sa kampeonato, habang naibulsa nina SMB Ken Bono, Wendell Comboy, Jeff Manday at Fonso Gotladera, na kamuntikan nang makuha ang panalo, ngunit nakuntento sa P50,000.
Bago makapasok sa Finals ang Beermen ay nagawa nitong lasingin ang Leg 1 winner na TNT Tropang Giga sa one-sided na laro na nagtapos sa 20-14 panalo sa semifinals.
Napanalunan ng TNT ang third place nang talunin ang Meralco Bolts sa battle for third, 20-17 para sa papremyong P30,000.





Comments