top of page
BULGARY - SHUVEE, UMUPO NA SA PRIORITY LANE SA TREN, PATI SHOPPING BAGS, PINAUPO RIN-IG _s

Napagtripan sa kalsada... 14-anyos, binaril sa ulo, todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 1 min read

by Mervin Reyes @News | September 4, 2026



Binaril - Brgy. 429 FB

Photo: Brgy. 429 / FB CCTV



Patay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki sa center island ng A.H. Lacson Ave., Brgy. 429, Sampaloc, Maynila, alas-8 ng gabi nitong Setyembre 2.


Batay sa CCTV, nakatayo ang biktima at mga kaibigan sa center island habang isang lalaki ang tila nagtatago sa mga halaman. Nang magkumpulan ang mga kabataan, dahan-dahang lumapit ang suspek at biglang binaril ang biktima.


Isinugod sa ospital ang binatilyo ngunit binawian din ng buhay habang nakatakas naman ang salarin.


Kinumpirma ni Brgy. 432 Kagawad Christopher Barbers Mendiola na residente nila ang suspek, bagama’t wala itong naitalang reklamo sa barangay.


Sinabi ng ama ng biktima na kakatapos lamang magkape ng kanyang anak kasama ang iba pang kabataan nang mangyari ang insidente.


“Trip lang po, tinanong niya nga raw po 'yung mga bata, ‘mga taga saan kayo?’ Magsasalita pa lang po 'yung anak ko, binaril niya na kaagad eh. Kitang-kita naman po sa CCTV kung ano 'yung ginawa niya,” dagdag niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page