top of page

Napag-iwanan sa kasikatan ng mga kasabay… KLARISSE, FEELING TAGASALO LANG PALAGI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 16, 2025



Photo: Klarisse De Guzman - IG



Masaya ang naging kuwentuhan ng multi-talented comedian at TV host na si Vice Ganda at ng Pinoy Big Brother (PBB) ex-housemate at singer na si Klarisse De Guzman o mas kilala ring “Klang” sa latest YouTube (YT) vlog na pinamagatang Meme at Mowm’s COOKlitan at QUEERtuhan at halatang komportable sila sa isa’t isa.


Sa YouTube (YT) vlog ni Vice ay naikuwento ng komedyante na lagi siyang napagkakamalang manager ng singer na si Klarisse, kaya naman nilinaw niya na hindi siya manager nito.


Feeling manager lang siya, Star Magic talent si Klarisse. 


Natanong ni Vice kung bakit pumasok sa Bahay ni Kuya si Klarisse at kung gipit siya noon.


Sagot ni Klarisse, “S’yempre, medyo gipit tayo d’yan. Gusto ko lang talaga na maipakita ‘yung side ko na ‘yung ako.”


Tanong ulit ni Vice, “Was it offered to you o ikaw ‘yung parang ‘Gusto ko pumasok,’ na ‘Puwede ba ‘ko mag-audition?’”


Paliwanag ni Klarisse, “Tinanong ako, Meme, kung interested ako. Nu’ng una, nagdadalawang-isip. Oh, my God! Hindi ko rin maiiwan si Mama kasi kakawala lang ng Papa ko. Baka magkasakit si Mama, nag-overthink agad ako.”


Naitanong din ni Vice, “Kung may punto ba sa career mo na feeling mo, napag-iiwanan ka na?”


Sagot ni Klarisse, “Yes, Meme. Nandu’n ‘yung mga times na ‘pag lalabas kami, feeling ko, ako ‘yung ‘di nila kilala. ‘Yung parang gusto ko, puwede mauna na ako? Para tapos na ako, kayo na lang. Kasi feeling ko talaga, napag-iiwanan ako.


“Ang bobongga na ng career nila, solo concerts, tour. Ako, feeling ko, nandu’n lang, kumbaga second option. ‘Pag hindi sila available, ‘yung ‘Ito, ah, sige, sige doon ako,’ puwedeng ganu’n.

“Buti na lang talaga, ‘di ako sumuko. Naghintay ako. Mahirap ‘yung proseso, ang dami kong pinagdaanan. Nandu’n ‘yung times na feeling ko, kailangan ko na ata maghanap ng ibang work.


“Totoo talagang may perfect timing si God para sa lahat.”

Korek ka d’yan, Klang. With God, all things are possible…



HUMAKOT ng mahigit 23 million views at trending sa social media at YouTube (YT) ang opisyal na trailer at patikim sa kauna-unahang digital series ng tambalang Fyang Smith at JM Ibarra na Ghosting, na eksklusibong mapapanood simula Hulyo 19 (Sabado) sa iWant.


Kinakiligan at damang-dama ng mga netizens ang chemistry nina Fyang at JM sa kabila ng pagiging baguhan nila sa showbiz matapos maging housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11.


Inulan ng papuri ang official trailer at halos wala rin umanong masabi ang mga fans nina Fyang at JM sa ipinamalas nilang akting kahit hindi pa man nagsisimula mismo ang kanilang series.


Excited din ang mga netizens sa pagsisimula ng love story nina Jaja (Fyang) at Wilberto (JM) sa 8-episode series na tampok ang kuwento ng isang dalagang estudyante na na-in love sa isang misteryosong probinsyano na literal na “ghost” o multo.


Alamin kung posible nga bang ma-in love ang mga taong minsan nang na-ghost sa Ghosting.

‘Yun lang and I thank you.


“Uwian na, may nanalo na!” ito na lang ang masasabi ng mga nakakita sa post ng content creator and Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr.


Sa social media post ay nagbahagi si Esnyr ng larawan kung saan kasama niya ang apat na nagguguwapuhang mga kalalakihan na sina Jake Ejercito, Donny Pangilinan, Kyle Echarri at Piolo Pascual.  


Bonggang-bongga ang nag-iisang si Esnyr. 


Sa larawan, nasa gitna siya suot ang black na t-shirt, at napapalibutan ng apat na nuknukan ng popoging mga lalaki na walang suot pang-itaas habang nakatitig sa kanya.


Ang caption ng post ni Esnyr ay: “Ganito pala sa outside world—maingay, mausok, puno ng mga pogi (smiling face emoji).”


Ikaw na talaga ang nagwagi, Esnyr! Ikaw ang tunay na ‘Big Winner’!

Samantala, sa Facebook (FB) page post naman ni Jake Ejercito ay ibinahagi niya rin ang larawang ipinost ni Esnyr.


Ang caption ng post ni Jake ay: “Ano’ng magandang title para dito? (thinking face emoji).”


Napakaraming netizens ang nag-comment sa post ng guwapong aktor na si Jake at ang mga suggestions nila ay: “Boys Over Santan Flower,” “Boys Over Precious,” “F4 and the Adopted One,” at “Boys Over Cauliflower/Broccoli.”


Ayan, Jake, mamili ka na lang ng magandang title (laughing emoji). Hahahaha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page