top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Napaamin sa love life… JOHN, UMAMING MAY 2 EX NA AKTRES, ISA KASAMA SA SERYE, ISA HIWALAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 25, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - AJ ALJUR, RESPONSABLENG AMA AT PARTNER-IG _ajravsss

Photo: IG _ajravsss



Mas nakilala man bilang magaling na aktor at tumatak lalo na sa mga estudyante bilang si Heneral Luna, may ibubuga rin pala sa kantahan ang veteran actor na si John Arcilla.


Sa ginanap na Star Magic Spotlight mediacon nu’ng Huwebes sa Dolphy Theater, nagpa-sample si John ng kanyang bagong kantang Ano Ba ‘Yan P*nyeta na siya mismo ang nagsulat ng lyrics habang si Jonathan Manalo naman ang naglapat ng musika under Star Music Records.


Naka-upload na ngayon sa YouTube ang naturang kanta na within a month ay may 66,246 views na habang isinusulat namin ito.


Kuwento ni John, na-inspire siyang isulat ang Ano Ba ‘Yan P*nyeta nang marinig ang song ni JK Labajo na Ere na may linyang Hmm, 'di ba? Nakaka-p*tang ina,” at naisip niyang kung natanggap ito ng mga Pinoy listeners, bakit hindi ang “P*nyeta” na linyang tumatak kay John bilang si Heneral Antonio Luna.


Aminado si John Arcilla na sa ilang dekada na niya sa showbiz at sa dami na ng roles na nagawa niya, ang lead role sa Heneral Luna movie ang talagang tumatak sa kanya at in fact, after this, times 10 daw ang itinaas ng talent fee niya! Wooohhh!  


Samantala, after the mediacon, na-curious kaming itanong kay John Arcilla ang love life niya. Bilang magaling din pala siyang kumanta, tinanong namin kung may “hinarana” din ba siyang female celebrities noon.


Pag-amin ni John, “Oo naman!” kaya sinundan na nga namin ng tanong kung kumusta ang puso niya ngayon. Parang wala kasi kaming naririnig tungkol sa buhay-pag-ibig niya at ang impression nga sa kanya ng marami ay nakakatakot siya.


Natawa muna si Heneral Luna bago sumagot, “Mapagmahal naman ako,” na sinundan ng maikling kuwento, “Meron akong isang celebrity na… well, dalawa siguro ‘yun, na dumaan sa akin, hinarana ko. Naging maayos naman nang konti, tapos biglang hindi rin nag-work. So parang it’s not… For me, it’s really worthy to reminisce pero wala na, eh, kailangan nang mag-move on. Haha!” sabay tawa nito.

Follow-up question namin, “Active pa rin ba sa showbiz ‘yun?”


Game namang sagot ni John, “Oo, parehong active sa showbiz. Ngayon nga, kasama ko ‘yung isa sa isang project. ‘Yung isa, may-asawa na, hiwalay na!” na sinundan uli nito ng tawa at may palakpak pa sabay hirit na, “Tama na!” 


At nu’ng kinantiyawan uli namin kung bakit hindi na siya nagmahal uli, sagot nito, “Sure ka ba?” sabay tawa at humirit na patigilin na raw kami sa pangha-hot seat sa kanya.

Buti na lang at nasa mood si Sir John Arcilla, hindi kami nasabihan ng “P*nyeta!!!” 

Hahaha!


Anyway, sa mga naku-curious, panoorin n’yo na lang ang music video ng Ano Ba ‘Yan P*nyeta sa YouTube at baka maka-relate kayo kung bakit ganu’n ang title ng song ni John Arcilla.





Todo-tanggol sa ex mo, Kylie…

AJ: ALJUR, RESPONSABLENG AMA AT PARTNER



SHOWBIZ SPECIAL - AJ ALJUR, RESPONSABLENG AMA AT PARTNER-IG _ajravsss


HINDI lang si Aljur Abrenica ang isa sa mga celebrities na bumisita na sa Maddox Jewelry shop ni Ms. Charo Cordial, kundi maging si AJ Raval, naka-visit na rin at naka-chika-han pa ng businesswoman na puwede ring maging TV reporter sa galing mag-interview.


Bihira nang lumabas ngayon sa mga TV shows at movies si AJ mula nang piliin niyang bumuo ng pamilya kasama si Aljur, although active na active pa rin naman siya sa social media. 


Ang katwiran ni AJ na inamin niya sa panayam sa kanya ni Ms. Charo habang nagpapasuri ng kanyang mga dalang alahas, gusto nilang ilayo ni Aljur sa mata ng publiko ang kanilang mga anak.


Ayon kay AJ, matagal nilang sinadyang huwag ilantad ang kanilang mga anak dahil nais nila itong mabigyan ng normal na buhay at maprotektahan mula sa mga intriga at negatibong komento sa social media.


Pero eventually, nag-decide silang sila na mismo ang magbahagi ng kanilang mga larawan bago pa ito gawin ng ibang tao


"Inunahan na po namin. Kesa iba ang unang maglabas ng pictures nila, kami na mismo," ayon sa aktres. 


Ikinuwento rin ni AJ ang naging kakaibang landas ng kanyang pag-aaral. Sa edad na 22, natapos niya ang high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) matapos maputol ang kanyang pag-aaral dahil sa madalas na paglipat-lipat ng tirahan at maagang pagtatrabaho. 


Aniya, naging malaking oportunidad ang ALS hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa iba pang nais makabalik sa pag-aaral. 


Naging bukas din si AJ tungkol sa kanyang relasyon kay Aljur. Sa kabila ng mga batikos na kanilang natatanggap, sinabi niyang responsable si Aljur bilang ama at partner. 


Aniya, hindi nito nakakalimutan ang lahat ng kanyang mga anak at sinisikap nitong maging patas sa pagbibigay ng oras at suporta sa kanila. 


Ibinahagi rin ni AJ kung bakit mas pinili nilang manirahan sa probinsiya kaysa sa siyudad.


Para sa kanya, mas gusto niyang maranasan ng kanyang mga anak ang simpleng pamumuhay—pag-akyat sa puno, paglalaro sa damuhan, at pagkakaroon ng treehouse—sa halip na puro gadgets ang kanilang kinagigiliwan.


Sa gitna ng kanilang pag-uusap tungkol sa pamilya, ipina-test din ni AJ ang ilan sa kanyang mga alahas.


Isang necklace na regalo ng kanyang kapatid ang kanyang ipinabenta, habang ang diamond earrings na ibinigay naman ng kanyang amang si Jeric Raval ay sinuring mabuti at napatunayang natural diamond, bagay na ikinatuwa ng aktres. 


Ayon kay AJ, marami pa rin siyang iniingatang mga alahas na bigay ng kanyang pamilya dahil higit pa sa halaga ng mga ito ang sentimental value na kanyang pinanghahawakan.


Marami pang naging makukulay na kuwentuhan at personal na rebelasyon si AJ Raval sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.


Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page