Nanood ng premiere sa Thailand… ANNE AT KARYLLE, TODO-KILIG KAY PARK BO-GUM
- BULGAR

- Jun 2, 2025
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 2, 2025
Photo: Park Bo Gum, Karylle at Anne - IG
Um-attend sina Anne Curtis at Karylle sa premiere night ng Park Bo-gum’s K-drama na Good Boy (GB) sa Bangkok, Thailand.
Kilala ang dalawang It’s Showtime (IS) hosts na diehard fans ng sikat na Korean actor na si Park Bo-gum.
Naglakad din sa blue carpet ang dalawang actress-hosts na ginanap sa isang mall ng siyudad.
“I love that we are all here. Anne has been my fellow K-drama fan for a long time so just going back to kung ano ‘yung mga napanood namin in the past, and that same energy and excitement is kind of kilig,” ani Karylle.
“‘Yung mayroon ka, ‘di ba, that one friend na kasundo mo sa certain things… sa pagiging fangirl,” dagdag pa niya.
Nagkaroon naman ng chance si Anne na ma-interview ang K-actor. Bale reunion nilang dalawa ito dahil si Anne ang naging host ni Bo-gum nang magkaroon ng fan meeting dito sa Manila noong 2019 ang sikat na Korean actor.
Ani Anne, “It was nice to see him again and nice to talk about his new series.”
Biro ni Anne sa mga fans, may mae-expect na “pa-sample” from her interview.
NAGPALITAN ng makukulit na mensahe sina Luis Manzano at Alex Gonzaga dahil sa drawing ng anak ng huli na si Peanut.
Ishinare kasi ng TV host ang larawang iginuhit ni Peanut—her dad and her mom, Jessy Mendiola.
Ibinahagi nina Luis at Alex ang kanilang funny exchange of comments online.
“Pambihira naman, oh, BAKIT MUKHA AKONG MIKROBYO?!?” wika ng ama.
Biro ni Alex, “Hahaha! Nagtanong ka pa kung bakit. Tingin ka salamin.”
Sinagot ni Luis si Alex, “Matagal na kita na-block, bakit nakaka-comment ka?”
IBINAHAGI ng magkaibigang Judy Ann Santos at Gladys Reyes ang kanilang dream reunion project.
Kilala ang dalawa noong Mara Clara (MC) days (1990s) kung saan tinutukan ng mga viewers ang karakter nila.
Sa number 1 teleserye ay tinaguriang Teleserye Drama Queen si Juday at si Gladys naman ang Pambansang Kontrabida. Sa nasabing teleserye rin nabuo ang pagiging magkaibigan ng dalawang aktres.
Sa panayam sa dalawang aktres, anila, “Matagal ko nang sinasabi kay Juday ‘to. Sabi ko, ‘Jud, gawin na natin ‘to.’ Iniisip ko for a change, baligtad naman kami. ‘Yung ganu’n,” ani Gladys.
Wika naman ni Juday, “‘Yung aura ni Gladys ‘pag umarte na ‘yan, liliit ka, mas liliit ka pa sa kanya. ‘Yung energy n’ya as an actor and ‘yung ‘pag pumasok s’ya sa character, matatakot ka talaga sa kanya.”
Naalala ni Gladys, wala raw silang rehearsal na ginagawa noon kapag gagawin na nila ang eksena dahil alam na raw nila kung paanong atake ang kanilang gagawin.
May time pa nga raw, sa isa nilang fight scene ay may mga galos na sila. Nang sumigaw na raw ng “cut” ang direktor, parang walang nangyari sa kanila at hindi nila ‘yun ginawan ng isyu.
Ayon pa kay Gladys, ngayon ay ang laki na ng difference, “Actors have fight directors.”
Nu’ng time raw nila, they just do it on their own. ‘Yun daw siguro ang dahilan kaya gustung-gustong panoorin ng mga televiewers ang kanilang Mara Clara dahil very natural daw ang mga eksena.






Comments