top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

Naniningil ng pautang, bangkay itinapon sa damuhan... Bebot, minolestiya, pinatay sa sakal

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 11, 2026



Naniningil ng pautang, bangkay itinapon sa damuhan... Bebot, minolestiya, pinatay sa sakal

Photo: Circulated



Wala ng buhay nang matagpuan ang isang babaeng kolektor ng pautang sa Isabel, Leyte.


Batay sa report ng Isabel Municipal Police Station (IMPS), nakilala ang biktima na si Jane Bregildo, 27, residente ng Matag-ob, Leyte.


Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima sa malawak na damuhan sa Sitio Ylaya, Brgy. Matlang, nitong hapon ng Linggo, Agosto 9.


Huling nakitang buhay ang biktima noong Agosto 3, bandang alas-10 ng umaga, habang nagsasagawa ng regular na pangongolekta ng hulog sa mga kliyente.


Nabatid din na isang lalaki na kinilala sa alyas Jojo, 32, na kabilang sa mga sinisingil ng biktima, ang huling kasama nito.


Sa presinto, umamin ang suspek sa nagawang krimen kung saan sinakal umano niya ang biktima hanggang sa mawalan ito ng hininga bago itinapon ang labi sa damuhan, hindi kalayuan sa kanyang bahay.


Una rito, niyaya umano ng suspek ang biktima na magtungo muna sa bahay para kumuha ng P150 na pambayad sa hulog.


Doon na niya inatake ang biktima kasabay ng paghimas sa maseselang bahagi ng katawan nito.


Nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa Isabel Police Station.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page