top of page
TALKIES - KARA- OKAY LANG NA ‘DI MAGALING MAG-ENGLISH SI MARIAN_IG _marianrivera & _karada

Kapitana at anak, pinagbabaril ng mga naka-SUV

Writer: BULGAR
BULGAR
20 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 18, 2026



Kapitana at anak, pinagbabaril ng mga naka-SUV

Photo: File



Tatlong indibidwal kabilang ang isang barangay chairwoman at anak nito ang sugatan matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Tumbras, Kadayangan, Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 16.


Sa ulat ni PLt. Julito Gonzales, kinilala ang mga biktima na sina Chair Fatima Mokamad, ang kanyang 22-anyos na anak na lalaki at isang empleyado ng Ministry of Social Services and Development (MSSD).


Agad na isinugod sa ospital ang tatlong biktima upang lapatan ng lunas.

Ayon sa mga imbestigador, sakay ang mga biktima ng pickup at patungo sa national highway mula sa loob ng Brgy. Tumbras, nang mangyari ang insidente alas-2 ng hapon.

Pagdating sa sementadong bahagi ng barangay road, hinarang sila ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek na sakay ng isang puting SUV bago sila pinagbabaril.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Kadayangan Municipal Police Station.


Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pag-atake.

Ang Kadayangan sa SGA-BARMM ay binubuo ng mga barangay na nahiwalay mula sa Midsayap, Cotabato, matapos bumoto ang mga residente na maging bahagi ng Bangsamoro region.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page