Nanghuhuli ng gagamba... Edad 15 at 26, binaril ng manager ng farm, todas

by Jeff Tumbado @News | September 9, 2026

Photo: Naghuhuli ng gagamba binaril - SS / GMA / Circulated
Patay ang isang 15-anyos na binatilyo at kasama nitong edad 26 matapos silang barilan habang nanghuhuli ng gagamba nitong Lunes ng gabi sa Lucena City.
Ayon sa report ng Lucena City Police, nasa Purok Jasmine, Brgy. Domoit ang mga biktima at kanilang mga kasama upang manghuli ng gagamba nang lapitan at atakihin sila ng suspek alas-10:30 ng gabi.
Sinabi ng pulisya na isang 38-anyos na farm manager ang umano’y suspek sa pamamaril gamit ang shotgun.
Binaril at nasawi ang dalawa habang nagtakbuhan naman ang apat na iba pang kaibigan ng mga biktima.
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng shotgun.
Kalaunan ay naaresto rin ng mga pulis ang suspek.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaril at iba pang detalye sa insidente.





Comments