top of page
SHEET - PARUSA SA IRESPONSABLENG GUN OWNER, MAS BIGATAN – CONG. JAVI_IG _javibenitezzz.jpe

Namimigay daw ng iPhone at Gcash… CLAUDINE, GINAMIT NG MGA SCAMMERS, PUMALAG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 21, 2026



FRANKLY - CLAUDINE, GINAMIT NG MGA SCAMMERS, PUMALAG_IG _claubarretto

Photo: IG _claubarretto



Gumawa na ng legal na aksiyon si Claudine Barretto hinggil sa matagal na niyang problema sa mga pekeng social media accounts na nakapangalan sa kanya at ginagamit din ang kanyang mga larawan para makapanloko ng mga tao.


Sa kanyang Facebook (FB) page, ini-repost ni Claudine ang babalang inilabas ng isa sa

kanyang mga fan pages.


“On behalf of Claudine Barretto, please stop using her name with such unreliable sources.

“It’s completely okay to use her name with fan pages on it. But what she asks though is to put ‘Fan Page’ first before the name.


“It’s completely fine to have a fan page of her. But on her side, she just asks it so people can be aware who’s the REAL Claudine Barretto,” bahagi ng pahayag.


Ang inilagay namang caption ni Claudine sa post niya ay “This is my last warning. Naka-report na po kayo. My Claudinians, thank you to all of you. Mahal na mahal ko kayo.”


Sa isa pang post ng aktres ay nilinaw niyang hindi siya namimigay ng pera o iPhones. Sinabi rin niyang kasalukuyan nang iniimbestigahan ng awtoridad ang mga scammers na ito na ginagamit ang kanyang pangalan.


“‘Di po ako namimigay ng pera through GCASH or cellphones, iPhones or tablets. Walang kahit sinong Claudinians ang namimigay on my behalf. Thank u and please, report. Under investigation na po sila. These are not my supporters, these are scammers,” ang babala ni Claudine.


Sinabi rin niya na isa lang ang kanyang tunay na FB account na may nakalagay na blue check, simbolo na ito’y verified and legit.





LALONG pinainit nina Kathryn Bernardo at Maja Salvador ang Primetime Bida sa kanilang pangmalakasang aktingan at tumitinding puksaan sa Kapamilya teleseryeng Someone, Someday (SS), na nagtala ng all-time high record na 353,672 peak concurrent viewers sa YouTube (YT) noong Miyerkules (Agosto 19).


Nangibabaw ang ‘mata-mata’ acting ng dalawang aktres sa isang malupit na komprontasyon, kung saan sinampal ni Billy (Kathryn) si Abi (Maja) at tinawag na sinungaling matapos siyang traydurin nito. 


Agad na pumatok at umani ng papuri ang eksena mula sa mga netizens dahil sa kanilang husay sa pagganap.


Tuluyan na ngang ipinakita ni Abi ang kanyang tunay na ugali, mula sa pagbabait-baitan bilang fan ni Billy na ngayon ay number one na nitong karibal na determinadong pabagsakin ito.


Kaabang-abang naman ang mas umiigting na tapatan nina Kathryn at Maja dahil nanggagalaiti na sa galit si Billy at hindi na siya magpapatalo, lalo na nang malaman nila ng best friend niyang si Jordan (James Reid) na pineke pala ni Abi ang kanyang pagkatao para makapasok sa buhay nila at Bea ang tunay nitong pangalan.


Napapanood ang Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at TFC. Available rin ito 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page