top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Namemerhuwisyo na naman sa bansa ang ASF!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 13, 2021



Idineklara ni P-Digong ang State of Calamity sa buong bansa.


Hindi dahil sa COVID-19, bagkus ay dahil sa African Swine Fever!


◘◘◘


KINUMPIRMA na nakapasok na sa Pilipinas ang COVID variant mula sa India.


Binansagan itong “Five-Six virus”.


Para hindi mahawa, huwag magbabayad ng cash “araw-araw”!


◘◘◘


WALA nang 2,000 ang tinatamaan ng COVID araw-araw sa NCR Plus.


Dapat nilang linawin kung ilan dito ang severe at kritikal!


◘◘◘


KAKAUNTI na ang nagpapa-swab test kaya’t kakaunti rin ang nagpopositibo sa COVID-19.


Siyempre!

◘◘◘


NABIBISTO na ang pambobola ni P-Digong sa panahon ng kampanya.


Ito ay nakumpirma, ilang buwan na lang bago matapos ang kanyang termino.


Nadale kayo, noh?


◘◘◘


SINO naman kayang kandidato ay kokopya ng estilong “budul-budol”, ipapangako lahat maiboto lang siya.


Kahit “joke” lang ang plataporma.


Naisahan kayo!


◘◘◘


PAANO kaya kapag nangampanya si Meyor Inday?


Ipangako kaya niya ang relocation site sa planetang Mars at libreng lote sa buwan?


Posible!


◘◘◘


NAGHIHINTAY ng laban si Sen. Manny Pacquiao para sa multi-bilyong pisong kobransa.


Kailangan niya ang pangkarga sa community pantry nationwide!


◘◘◘


NAGLILIPATAN ang batikang artista sa ABS-CBN kahit walang prangkisa.


May inobasyon kasi rito!


◘◘◘


DUMATING na rin ang Pfizer vaccines sa Pilipinas.


Ipabakuna na ‘yan agad!


◘◘◘


MATUMAL ang lahat ng negosyo.


May antidote ba ‘yan?


◘◘◘


NABABANGKAROTE ang ilang bangko.


Sa pre-COVID, kapag na-stagnant ang isang bangko, ipinasasarado ito.


Pero ngayon, kahit bangkarote, patuloy lang ang operasyon!


◘◘◘


TALAMAK na nilalabag ang Labor Code sa panahon ng lockdown.


Kaawa-awa ang mga obrero!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page