Name ng grupo, muntik nang 'di magamit… SB19, NA-CANCEL ANG BIG CONCERT, INULAN NG BATIKOS
- BULGAR

- Aug 30, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 30, 2024

As promised, babalitaan namin kayo ng pinanood naming Pagtatag documentary ng sikat na P-Pop all-male group na SB19.
Mahigit isang oras but less than 90 minutes lang tumakbo sa screen ang Pagtatag ng SB19. Afternoon screening kami pumasok sa sinehan at nagulat kami sa dami ng tao sa loob.
That was the first time na talagang nakapanood kami ng isang local film at 2 PM na, pero talaga namang marami ang nanood after Metro Manila Film Festival. Patunay lang na willing magbayad at may pambayad ang mga fans ng SB19.
At ang nakakaloka, sa ending ay nagpalakpakan pa ang mga tao. Taray, ‘di ba?
About the Pagtatag, nakita namin kung bakit napaka-successful ng SB19 from the first time na na-meet namin sila sa bonggang launch ng kanta nilang Go Up sa Novotel noong 2020.
Dala at baun-baon nila ang almost a year na training and discipline na pinagdaanan nila sa former Korean management nila hanggang sa kanilang first US and Canada tour last year.
Makikita talaga na pagod na sila dahil every after concert sa isang state ay diretso agad sila sa malaking bus na magdadala sa kanila sa susunod na state for 10 hours na biyahe.
Sila-sila rin ang nag-aayos at nag-eempake ng mga damit at costumes nila. Pero kitang-kita naman during the concert tour na lalo silang naging solid as friends at magkakagrupo.
Isa sa major problems na na-encounter nila last year ay ang pagbabawal ng dati nilang Korean management na gamitin ang SB19. Kaka-sad ang portion na ‘to kung saan affected much ang grupo since ang dami-dami pa nilang projects na gagawin. Aminado sila na kinabahan sila na babalik ulit sila sa simula at sandali nilang kalagayan sa buhay.
Nakaka-trauma talaga ‘yung few hours na lang before ng big concert nila, saka pa lang napagdesisyunan ng bagong management ng SB19 na i-cancel ang show. Kaya inabot din sila nang katakut-takot na batikos.
Pero may mga commitments na silang natanguan, kailangan nilang gawin without the name ng grupo nila. Ang nangyari, isa-isa silang ipinapakilala sa mga appearances nila, mapa-show or special events.
Never din silang nag-isip ng ibang pangalan o ipalit sa SB19. Basta ang dasal nila ay payagan na sila na gamitin ulit ang SB19.
May mga nagaganap namang negosasyon mula sa bagong management team, ang 1Z Entertainment, at ng ShowBT Philippines habang nagwa-wander sina Stell, Ken, Justin, Josh, at Pablo sa kahihinatnan ng kanilang career.
Hanggang sa nagkaroon ng amicable agreement ang 1Z Entertainment at ShowBT. Pero hindi na in-elaborate pa nang husto sa docu on how and why naayos ang problema.
Pero duda ng marami, “pera” ang naging solusyon para patuloy na magamit ng grupo ang SB19 name.
Anyway, five days lang ipapalabas sa mga sinehan ang Pagtatag. We heard, kaya ganu’n lang kaikling mapapanood sa mga sinehan ang docu ay dahil sa posibilidad na ipalabas din sa Netflix ang Pagtatag.








Comments