top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Nambu-bully sa utol, binugbog sa party... Babaeng Grade 12, sa kulungan nag-birthday

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | October 25, 2026



Nambu-bully sa utol, binugbog sa party... Babaeng Grade 12, sa kulungan nag-birthday

Photo: Ang Grade 12 ay nahaharap sa kasong physical injuries matapos saktan ang 18-anyos na nam-bully umano sa kanyang 25-anyos na PWD na kapatid.



Sa kulungan, inabutan ng birthday ang isang 20-anyos na babae matapos arestuhin dahil sa pananakit sa Brgy. Lahug, Cebu City.


Ang suspek na Grade 12 ay nahaharap sa kasong physical injuries matapos saktan ang 18-anyos na nam-bully umano sa kanyang 25-anyos na PWD na kapatid.


Ayon sa suspek na si "Mandy," nagalit siya sa biktimang si "Rowena" dahil madalas umano nitong laitin ang kanyang kapatid na walang mga kamay.


Nagkaroon umano ng kasayahan sa bahay ng suspek at kasama sa inimbitahan si Rowena.


Habang nagkakaroon ng kasayahan ay nagsumbong sa suspek ang ate niya na umiiyak dahil binully umano siya ni Rowena, kaya nagalit ito at sinuntok, sinakal at sinabunutan ang kaibigan.


Agad namang dumating ang mga barangay tanod at dinala si Mandy sa istasyon ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page