top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Namatay ang asawa sa aksidente... Lolo nagbigti, dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 16
1 min read

ni Janice Baricuatro @News | August 16, 2026



Scoop: Sunog sa Alvarez Street sa Pasay, umabot sa ikatlong alarma


Patay na nang matagpuan ang isang lolo na nakabigti sa pintuan ng kanilang bahay sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite, kamakalawa ng madaling-araw.


Kinilala ang biktima sa alyas Efren, 70, maintenance worker at residente ng Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City. 


Siya ay natagpuan ng kanyang live-in partner na si “Isidra,” 72, alas-4:45 ng madaling-araw. Nabali pa umano ang plastic door jamb na pinagkakabitan ng lubid kaya bumagsak sa posisyong nakaupo ang biktima.


Ayon sa kinakasama nito, nakaranas umano ng depresyon si Efren matapos mabundol ng sasakyan habang sakay ng motorsiklo sa Mater Dei, Tagaytay City. Nakaligtas siya sa aksidente, ngunit namatay ang kanyang asawa dahil sa mga tinamong pinsala, tatlong buwan na ang nakalipas.


Bago ang insidente, narinig din umano siyang nagsasalita na nagpapahiwatig ng balak na magpakamatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page