top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Namakyaw sa mall… LARUAN LANG NI JIMUEL, P200 K!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 2, 2021




Viral ang photo ng anak nina Jinkee at Senador Manny Pacquiao na si Jimuel habang bumibili ng expensive gaming PC sa SM North EDSA.


Napansin kasi ng mga netizens na nakapambahay lang ang ngayon ay isa na ring celebrity na si Jimuel.


Humanga ang mga nakapansin sa anak ng atleta-senador dahil wala raw palang kaere-ere si Jimuel kapag nagmo-malling.


Isa lang daw itong tipikal na mamamayan na kahit may sinasabi ang pamilya ay simpleng tao lang.


Noon pa man ay lagi nang sinasabi nina Manny at Jinkee, nakasanayan naman daw talaga ng mga anak nila ang simpleng buhay. Lumaki naman daw kasi sina Jimuel na walang-wala pa noon.


Pero agaw-pansin sa mga netizens ang napakaraming gadgets na pinamili ni Jimuel.


Ang salesman ng PCworx ay tuwang-tuwang ibinahagi ang kuhang larawan kasama ang humble man na anak ni Senador Manny.


Shocked ang mga kasabayang namimili ni Jimuel dahil gaming parts pa lang ay umabot na sa P200K ang halaga, what more pa kaya ang ibang mga kakailanganin sa gaming PC?


Komento nga ng owner ng store, “Muntik nang mabili ang buong store namin, hahaha.”

“Buti hindi buong SM 'yung binili.”


“'Yung 5 years mo iniipon, 1 day lang sa kanya. XaD.”


Nagbiro naman ang isang netizen, “Humingi kay daddy ng barya, hahaha!”


Isa naman ang nag-request kay Jimuel, “Ser, sana ma-vlog mo 'yung PC Build with this RTX 3090 and Monitor.”


Nagpasalamat din ang store na pinagbilhan ni Jimuel, “Thank you for dropping by and purchasing Sir Jimuel Pacquiao!!! Gigabyte AORUS GeForce RTX™ 3090 XTREME 24G

Gigabyte GP-G34WQC-AP 34" 144Hz 3440x1440 QHD Gaming Monitor"

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page