Naloka sa contestant sa show… “SA MGA GUSTONG MAGLIPAT NG CHANNEL, ‘DI PO NAMIN KAYO MASISISI” — VICE GANDA
- BULGAR
- Sep 13, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 13, 2024

Viral ang "kalokalike" ni Dao Ming Si sa It’s Showtime (IS) sa episode nilang Kaloka or Kalokalike?.
Si Dao Ming Si ang bida noon sa sikat na Taiwanese drama series na kinalolokohan ng mga netizens, ang Meteor Garden (MG), kung saan si Jerry Yan ang gumanap. Ang series ng MG din ang naging daan para makilala ang F4.
Sa episode ng Kalokalike ay nagkaroon sila ng reunion dahil hindi lang si Dao Ming Si ang naroroon, kundi ang love interest niya sa series na si Shan Cai na mula sa audience.
Ang nakakaloka, namamali sa pagda-dialogue si "Dao Ming Si" kaya naghahagalpakan ang madlang pipol.
Sabi nga ni Vice Ganda, “Ang lakas mag-trip ni Diwata (dahil mas ka-look-alike ng contestant si Diwata).”
Dagdag pa ni Meme Vice, “Sa mga gustong maglipat ng channel, ‘di po namin kayo masisisi.”
Nakakaloka! Naging mini-reunion na rin ito ng well-loved characters sa Meteor Garden through the Kalokalikes na mapapanood sa It’s Showtime.
May throwback photo na ipinost ang former beauty queen na si Ruffa Gutierrez nang ipanganak ang bunsong si Venice na nagselebreyt ng kanyang 20th birthday.
Ani Ruffa sa caption, “I can't believe that my youngest baby is no longer a teenager - Venice turns 20 today!
“To my @venicebektas, it seems like yesterday when I was holding you in my arms at Cedar Sinai and now you’re entering a new chapter in your life into adulthood with such grace, determination and confidence.
“Please continue to study hard and chase your dreams, even when times get tough. Keep going because your journey has just begun…”
Dagdag pa niya, “Happy 20th birthday to my youngest, beautiful baby girl. May you continue to blossom and inspire those around you. Your family will forever be here to guide you, hold your hand and support you all your endeavors. I am so grateful and proud to be your mommy. I wish I could hug you right now. I miss you so much and love you my Venezia! Be good!”
Sagot naman ni Venice sa mensahe ng ina, “Your baby girl forever.”
Well, wala sa kanyang tabi ang anak dahil nasa ibang bansa ito at doon nag-aaral as a freshman student.
Samantala, nawindang pero humanga si Mariel Rodriguez sa mga larawang ibinahagi ni Ruffa habang nasa ospital ito.
Komento ni Mariel, “2nd photo OMG! Ate, naka-full glam ka sa hospital. Ikaw lang talaga.”
ENJOY sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa pag-aalaga sa kanilang apo na si Finn.
Ibinahagi ni Martin ang video kung saan karga-karga ni Pops ang kanilang apo, makikitang pinapatulog nila pero sila ay inaantok na rin.
Sa caption, tinawag nina Martin at Pops ang kanilang sarili na “Lolli and Lilo” bilang mga proud na lolo’t lola.
Kinilig ang mga netizens at nagkomento ng kanilang saya para sa ex-couple na masayang nag-aalaga sa apo.
Sa caption ng post ni Martin, makikita ang saya ng pagiging bagong lolo’t lola ng mga ito.
Sey ni Martin, “You’re getting sleepy, you’re getting sleepy, I’m getting sleepy. Happy grandparents day! This is a first for us. Now we can finally say, ‘Always and forever Lolli and Lilo!’”
Komento ng mga netizens:
“Bakit ‘di na lang sila magbalikan? Bagay na bagay naman sila.”
“Panalo si Finn. He will always and forever have Lolli and Lilo. So cute!!!”
“Proud grandparents! Nakakatuwa kayong dalawa, Pops and Martin.”
Magkasundung-magkasundo nga ang dalawa sa kanilang bagong papel bilang Lolo at Lola kay Finn, at masayang ipinagdiwang ang Grandparents Day kasama ang kanilang apo.
Comments