top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

Nalibing nang buhay, nakuryente, nalunod... 18 patay sa bagyo, habagat

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 11
2 min read

ni Mai Ancheta @News | August 11, 2026



Bagyo at habagat - PCG

Photo: PCG



Umabot na sa mahigit 18 ang nasawi dahil sa paghagupit ng Bagyong Luis at Maymay na sinabayan ng habagat.


Habang isinusulat ang balitang ito, pito na ang nasawi, tatlo ang nailigtas habang tatlo pa ang nawawala sa Purok 2, Guisad Surong, Baguio City matapos matabunan ng landslide. 


Batay sa report ng Baguio City Police, tatlong bahay ang natabunan ng lupa matapos lumambot ang lugar na kinatitirikan ng mga bahay na nagresulta sa pinsala at pagkasawi ng ilang biktima.


Sa kabuuan, 13 ang mga nakatira sa tatlong bahay nang maganap ang pagguho ng lupa.

Pinaniniwalaang ang mga nawawala ay na-trap sa mga kabahayan na natabunan ng lupa, kaya nagpapatuloy ang paghahanap ng mga rescue team mula sa iba't ibang tanggapan sa Baguio City. 


Samantala, nasa 11 indibidwal din ang iniulat na nasawi dahil sa paghagupit ng habagat at mga bagyo, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Batay sa datos na ibinahagi ni PNP Public Information Chief Col. Allen Rae Co sa isang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, naitala ng mga regional unit ng pambansang pulisya ang listahan: 


Police Regional Office (PRO) Ilocos Region

• Isang 35-anyos na lalaki ang namatay dahil sa pagkakakuryente sa La Union.

• Isang 54-anyos na lalaki ang nalunod sa Alaminos, Pangasinan.

PRO Calabarzon

• Isang 22-anyos na babae at isang 20-anyos na lalaki ang nasawi dahil sa rockfall-landslide sa Rodriguez, Rizal.

• Isang 45-anyos na lalaki ang nalunod sa Batangas City.

• Isang 28-anyos na lalaki ang namatay dahil sa pagkakakuryente sa Batangas.

• Isang lalaki ang nasawi dahil sa landslide sa Batangas.

• Isang lalaki ang namatay matapos mabagsakan ng puno sa Antipolo City, Rizal.

• Isang lalaki ang nalunod sa Binangonan, Rizal.

PRO Cordillera Administrative Region (CAR)

• Dalawang lalaki, na may edad 66 at 31, ang nasawi sa landslide sa La Trinidad, Benguet.


Naitala rin ng PNP ang 11 nasugatan sa CAR at dalawa sa Calabarzon, habang lima ang iniulat na nawawala sa CAR at isa naman sa Calabarzon.


"Siyempre, kailangan pa itong beripikahin at opisyal na ihayagng Office of Civil Defense (OCD), pero ito ang datos na nakuha natin mula sa ground," ani Co.


Nilinaw rin ni Co na hindi pa kasama sa talaan ng PNP si Police Master Sgt. Fernando Marfa Jr., 40, na namatay matapos tangayin ng malakas na agos habang sinusubukang iligtas ang dalawang rescue volunteer sa Cadiz City, Negros Occidental noong Biyernes.


Sinabi naman ng Office of Civil Defense (OCD) na nakapagtala ito ng hindi bababa sa 12 nasawi at walong nawawala bunsod ng pananalasa ng habagat.


Nang tanungin tungkol sa pagkakaiba ng bilang, iginiit ni Co na ang datos ng PNP ay "nakabatay sa real-time reports na isinumite ng aming mga yunit sa buong bansa."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page