Nalapnos ang bibig, hirap huminga... 2 nadale sa mineral water
- BULGAR

- Jul 6
- 1 min read
ni Benjamin Chavez / Levi Gonzales @News | July 6, 2026
Dalawang babae ang isinugod sa ospital matapos umanong makainom ng kontaminadong bottled mineral water na binili sa isang sari-sari store sa Brgy. San Isidro, Antipolo City, Rizal.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakaramdam ng kakaibang lasa at mabahong amoy ang biktimang si alyas Angelique, 20, matapos uminom ng biniling isang-litrong bottled water. Upang beripikahin ang reklamo, tinikman din umano ng may-ari ng sari-sari store na si "Editha," 63, ang laman ng bote ngunit agad nakaranas ng hapdi sa bibig, hirap sa paghinga, at paso sa labi at dila.
Kapwa sila isinugod sa pagamutan para sa agarang malapatan ng lunas.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang nasabing bottled water para sa laboratory examination, habang inimbitahan na rin ang awtorisadong kinatawan ng manufacturer para sa karagdagang imbestigasyon.





Comments