top of page
Pokwang.jpg

Nakulong dahil sa kidnapping…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2020
3 min read

MARCO, KUMANTA SA DINANAS SA MGA PULIS NANG HULIHIN SA BAHAY NILA ANG PADIR NA SI DENNIS ROLDAN

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 1, 2020




Sa unang pagkakataon, naikuwento ng hunk actor na si Marco Gumabao sa kanyang latest vlog na "My Family, My Story" nitong nakaraang November 28 (Saturday) kung bakit inaresto at ikinulong ang kanyang amang si Mitchell Gumabao, dating actor na may screen name na Dennis Roldan, halos labing limang taon na ang nakakaraan.


Kasong pagkidnap sa isang three-year-old boy noong 2005 ang kasong kinaharap ni Dennis.


Sa isang video posted on his YouTube channel, unang ibinahagi ni Marco na siya at ang kanyang pamilya ay hindi pumayag na magpa-interview sa kung ano ang nangyari sa ama noong siya'y (Marco) 10 years old pa lamang.


Aniya, around 20 to 30 heavily armed policemen ang nag-raid sa kanilang bahay noon para arestuhin ang daddy niya early Sunday morning nu'ng 2004.


“Alalang-alala ko pa that night kasi the night before, hinuli 'yung daddy ko, pumunta pa kami sa prom ng sister namin. Tapos, 'yung panganay naming sister, she was out of town with her friends, so hindi namin siya kasama. So, inihatid namin siya sa prom nila.


"For some weird reason, I asked my mom, ‘Matutulog ako sa kuwarto n'yo.’ Hindi naman ako natutulog sa kuwarto nila pero that very night, hindi ko alam kung bakit pero something just told me na doon ko gusto matulog. And then the next day, it was 5 AM, biglang ginigising ako ng mommy ko na ‘Marco, go to the bathroom.’ So, du'n kami nagtago ng mommy ko sa bathroom. Bigla na lang 'yung next memory ko was sinira na lang 'yung door namin sa bathroom. Kinuha ako nu'ng isang pulis, tapos ibinaba niya ako sa sala namin. On the way out, nadaanan ko 'yung daddy ko and 'yung daddy ko, nakadapa na siya sa kama niya, tapos pinoposasan na,” alaala pa ni Marco sa nangyari.


Aminado rin ang 26-year-old na ngayong aktor na dahil sa nasabing experience, their entire family became Christians.


Sa pahayag pa ni Marco, nakaranas silang magkakapatid ng bullying sa school dahil sa nangyari at hanggang ngayon, may ilan pa ring ginagamit ang pagkakakulong ng kanyang ama para i-bully sila.


“Nu'ng nasa school kami, it was really a hard time for us. Kasi siyempre, 'yung mga tao, 'yung mga kaklase mo, sasabihan ka, ‘Ah, 'yung tatay mo, kidnapper.’ Aasarin ka talaga. ''Yung tatay mo, nasa kulungan. 'Yung tatay mo, kumbaga, criminal.' Ganu'n 'yung mga naririnig namin siyempre until now. May mga haters pa rin diyan na ibabalik nila kung ano'ng nangyari [2005],”/pagtatapat ni Marco.


Pero sa kabila ng nangyari, mas naging malapit daw sila sa isa't isa ng kanyang pamilya.

“You can’t really run away from your past. But the best thing to do is how you can show people that what happened to your past became a blessing sa future mo. Blessing pa rin for us kasi alam ni God na matibay kami. Itong ganitong klaseng tragedy na nangyari sa family namin, it all made us stronger, it all made us gel together more.


"Kumbaga, nagka-foundation kami. Ang daddy namin, naging pastor sa loob ng kulungan. The first year na nandu'n siya, na-Born Again siya sa kulungan. That for us was the biggest turning point of our lives,” ayon pa sa former Kapamilya actor.


Nilinaw din ni Marco sa kanyang vlog na hindi nila ipinagtatanggol ang kanyang ama na kasalukuyan pa ring nasa New Bilibid Prison matapos mahatulan ng life imprisonment.


Bukod sa dalawang kapatid na babae na sina Gita and Michele (ang kasalukuyang Miss Universe Philippines 2nd runner-up) who joined him in the vlog, Marco also shared that they have three half-brothers and two more sisters who are currently in the US.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page