top of page
Search
  • BULGAR

Nakukumpiskang droga bilyones na, kampanya, mas palakasin

@Editorial | April 17, 2024



Nasabat sa isang checkpoint ang P13.3 bilyon na droga na nakita sa isang van.

Kapansin-pansin umano ang pamumutla ng driver ng van, kaya nang tanggalin ng mga operatiba ang sako ay tumambad ang malalaking plastic bags na naglalaman ng shabu.


Ito na umano ang pinakamalaking nasabat sa kasaysayan ng PNP. Ang isa pa sa nakakapagtaka, saan naman kaya dadalhin ang ganito kalaking halaga ng shabu?


Giit pa ng driver, kinontrata lang umano siya para isakay ang kargamento ngunit tumanggi naman sabihin kung saan ide-deliver ang kontrabando.


Hindi rin nakakapagtaka na bumabaha pa rin ng droga sa bansa dahil tila humihina na ang kampanya laban dito.


Halos araw-araw ay milyones ang halagang nasasabat, parami rin nang parami ang mga taong nasasangkot dito. Kaya naman, panahon na siguro para ibalik ang giyera laban sa droga.


Kaugnay nito, ang mga nakumpiskang bilyones na droga ay sasailalim umano sa imbentaryo bago ito wasakin o sunugin upang hindi na mapakinabangan pa.


Inaalam na rin kung sino ang bigtime drug syndicate na nasa likod nito.


Palakasin ulit sana ng gobyerno ang kampanya kontra droga dahil maraming buhay ang nawawasak dahil dito.


Iparamdam din na may batas tayo na tutugis sa mga taong nasa likod nito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page