top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Naku, naku, naku, Julia, alam na! GERALD, SI YAM NAMAN ANG KASAMA NANG 3 LINGGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 6, 2020
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 6, 2020




Back to work ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa bago niyang teleserye for ABS-CBN channels.

Pagkatapos ng maaksiyon niyang teleserye na A Soldier's Heart ay sasalang naman siya sa bago at mainit na romantic drama series na Init sa Magdamag, originally titled What I Did For Love.

Makakasama ni Gerald sa bagong proyekto niya sina Yam Concepcion at JM de Guzman.

Nakahanda na ang produksiyon para sa bagong serye na ihahain ng ABS-CBN sa mga manonood.

Dahil nasa quarantine period pa rin ang bansa kaya kailangan pa ring sumunod ng produksiyon sa mga protocols ng gobyerno.

Para maipatupad ang pagte-taping nila nang ligtas, kailangang "nakakulong" pa rin ang buong produksiyon kasama ang staff at ang members of the cast ng serye.

We heard three weeks locked-in ang lahat ng involved sa serye. Kaya sa panahong 'yan, 'wag nang magtaka kung may mabuong bagong relasyon sa mga artista ng Init sa Magdamag dahil sila-sila lang ang magkakakitaan sa almost a month na pagkakakulong sa taping.

Plus, as the title suggests, baka madarang din ang tatlong bida off-cam sa maiinit na eksena nila sa serye.

May image pa naman si Gerald na laging nali-link sa mga leading ladies na nakakatrabaho niya.


So, depende na 'yan kay Yam kung may mabuo rin siyang feelings for Gerald. Eh, sa pagkakaalam namin, may boyfriend si Yam na ang guwapu-guwapo rin, si Miguel CuUnjieng.

Although LDR (long-distance relationship) sina Yam at Miguel, they have kept their relationship for five years.

Hindi naman siguro basta bibigay na lang si Yam kay Gerald at ipagpapalit si Miguel.

Naku, ayaw din ni Julia Barretto, 'no! Na until now, eh, tikom pa rin ang bibig sa kung anumang relasyon meron sila ni Gerald.

Baka sa kagaganyan niya, eh, siya naman ang ma-ghosting.

Hey, Bea Alonzo left the group. Hahaha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page