Nakitang holding hands… BINI MALOI, NAGSALITA NA SA KANILA NI RICO
- BULGAR

- Feb 4, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 4, 2025
Photo: BINI Maloi - with Rico - Circulated
Guest sa Fast Talk with Boy Abunda ang P-pop group na BINI kung saan naitanong ng King of Talk sa mga miyembro ang mga isyu sa kanila tulad ni BINI Maloi kay Rico Blanco.
Tanong ni Kuya Boy, pa’no nila ina-address ang fake news?
“Parang hindi na s’ya mawawala as public figure. Parang may mga tao talaga na gagawa at gagawa ng fake news about you. And feeling ko, it just shows na you are relevant.
“Parang you just go with your life, do what you do, just do what you love as long as wala kang natatapakan na tao. ‘Yung fake news, nandiyan na ‘yan, eh, so parang masasabi ko lang, stop spreading fake news this 2025. Stop it,” sagot ni Maloi.
Follow-up na tanong ng TV host, ano raw ba ang nasulat na fake news sa kanya.
Ani ng singer, tungkol sa dating rumors sa kanya at sa Rivermaya vocalist.
Kuwento niya, “Actually, nu’ng time po na ‘yun, du’n lang ‘yung first meet-up namin ni Rico Blanco, and ‘yung friends ko are friends din n’ya.
“Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun. Siguro, may videos ‘yung Blooms (BINI fans) na in-upload sa X (dating Twitter) and then na-crop s’ya, screenshot na parang bad angle, so it just shows na parang nag-holding hands.”
“Ini-upload sa Facebook, kumalat hanggang nagkaroon na ng mga headline. Nu’ng nakita ko ‘yun, nag-tweet po agad ako na stop spreading fake news, kasi ayoko nang lumaki pa ‘yung gulo. Gusto ko nang linawin agad,” mahabang esplika ni Maloi.
Well, kung walang apoy, walang usok.
Just saying…
Blooms, sey n’yo?
BINI GWEN, MAWAWALA RAW SA GRUPO
Samantala, ayon kay Ogie Diaz (OD), isa umanong miyembro ang kakalas sa grupo ng BINI. Sinabi raw ito sa kanya ng manghuhula.
Na-tackle kasi nila sa kanilang YouTube (YT) Channel ang tungkol sa mga hula at isa nga raw sa madam fortune teller ang nagsabing may isang member ng BINI ang mawawala sa P-pop girl group.
Tinanong ni Ogie kung sino sa grupo ang mawawala.
Sagot ng unnamed fortune teller ay si BINI Gwen.
Sinansala naman ni OD ang sinabi ng manghuhula na hopefully ay manatili pa rin daw solid ang walong miyembro.
“Ano’ng hula mo sa BINI, Madam? Ang sabi sa ‘kin, meron isang mag-aaklas, meron isang magso-solo.
“Ang sabi sa ‘kin ng manghuhula, feeling n’ya, isa lang. So matitira, pito.”
Oh, my God!
Ifinlex ni Angelica Panganiban ang ‘Galentines Dinner’ nilang magkakaibigan na AngBeKi (Angelica, Bela Padilla at Kim Chiu).
Aniya sa Instagram (IG) post, “We celebrate love month this way. Importante sa ‘kin na mag-celebrate ng love month na maramdaman ng mga taong mahal ko ang pagmamahal kahit kaibigan lang ang nagpapaabot ng love.
“Love is love, and I love my BeKi girls. Salamat sa isang gabi na napakahirap tapusin. Love you both, gawin na nating tradition ‘to, ha?”
Siyempre pa, may plus one nang kasama ang AngBeKi, ang anak ni Angge na si Bean.
Maraming netizens ang na-touch sa caption ng aktres.
Napakomento naman si Megastar Sharon Cuneta sa posted photo ni Angge.
Aniya, “Mareeeee!”
Sumagot si Angelica, “@reallysharoncuneta Naku, Mare! Bet mo ba ‘pag cook kita? Miss you my madame, Mare.”
“I love AngBeKi+Bean,” komento naman ng isang netizen.
Nagtanong si Bela, “Ano’ng ulam today?”
Sey pa ng ibang netizens, “Alam n’yo bang marami kayong na-inspire na magkakaibigan?”
“You have the best friendship, AngBeKi.”
“The friendship goal, love it!”
Ilan pa kaya sa showbiz ang may mga ganyang pagkakaibigan?
Asking lang po!








Comments