Nakita sa gasolinahan, dinumog… NORA, IPINAMUDMOD SA MGA BATA LAHAT NG LAMAN NG WALLET
- BULGAR

- May 23
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 23, 2025
Photo: Faney mediacon via Bulgar Live
Bilang pagbibigay-pugay sa pumanaw na nag-iisang Superstar at National Artist na si Nora Aunor ay nagkaroon ng special screening ang pelikulang Faney sa mismong kaarawan ni Ate Guy nitong nakaraang Miyerkules, May 21.
Ang Faney ay isang tribute film for Ate Guy written and directed by Adolf Alix, Jr. starring Laurice Guillen and Gina Alajar, produced by Frontrow International, Intele Builders, Noble Wolf and AQ Films.
Punumpuno ang Cinema 11 ng Gateway Mall kung saan ginanap ang special screening dahil sa pagdagsa ng mga loyal Noranians at marami pa ngang hindi nakapasok.
Present sa event ang dalawang anak ni Ate Guy na sina Ian and Kenneth de Leon, ang direktor and mga producers, gayundin ang cast na sina Gina and Althea Ablan.
Ayon sa isa sa mga producers na si RS Francisco ng Frontrow International ay isa rin siyang tagahanga ni Ate Guy at nang yumao raw ito ay nasa ibang bansa siya’t walang way para makauwi dahil sa mga commitments niyang naka-schedule the whole week.
He was thinking of a way kung paano makakabawi kay Ate Guy, na once pa lang daw niya na-meet ay humanga na siya sa kabaitan at pagiging humble nito.
Timing naman daw na nag-message sa kanya si Direk Adolf na dati na rin niyang nakatrabaho at sinabing baka gusto niyang pag-usapan nila pag-uwi niya ang proyekto nito tungkol sa mga fans ni Nora.
Sey ni RS, hindi na siya nagdalawang-isip pa at umokey na agad sa meeting na naganap pag-uwing-pag-uwi niya sa Pilipinas.
Nang ikuwento sa kanya ni Direk Adolf ang istorya ng Faney ay kaagad na nagbigay na si RS ng green signal para gawin na ang pelikula.
Ibinahagi rin ni RS ang unang pagkikita nila ni Ate Guy way back in ‘90s nang napag-utusan daw siyang sunduin ang Superstar sa bahay nito sa La Vista.
Kahit karag-karag ang sasakyang kanyang hiniram lang ay sumakay daw si Ate Guy nang walang reklamo.
Nang huminto sila sa gasolinahan para magpa-gas ay nakilala raw ng mga batang kalye si Nora at dinumog na ito.
Ang ginawa raw ni Ate Guy ay bumaba at pinapila lahat ang mga bata at ibinigay daw lahat ang perang laman ng wallet nito.
“Ako po mismo ‘yung nakakita kung gaano ka-selfless ang isang Superstar. Hindi n’ya itinigil ang pagbigay ng pera hanggang ‘di naubos ‘yung laman ng pitaka n’ya,” kuwento ni RS.
“Doon ko na-realize na kung bakit ang dami sa buong mundo ng nagmamahal sa kanya,” dagdag pa niya.
Ang Faney ay tumatalakay sa isang lolang loyal Noranian (played by Laurice) na kahit may karamdaman na ay nagpilit na makapunta sa burol ng Superstar.
For sure ay maraming makaka-relate na Noranians sa kuwento, sa mga eksena at dialogues sa pelikula.
Ang katabi nga naming veteran reporter na si Erlinda Rapadas ay relate na relate sa dialogue ni Laurice na sumasampa pa raw siya sa bakod ng Sampaguita Pictures para makita lang si Ate Guy dahil ganoon din daw ang ginagawa niya noon. Hahaha!
Anyway, in fairness to Laurice, wala pa rin siyang kupas. Ang galing-galing niya sa kanyang mga eksena lalo na nga sa mga parteng mata lang ang kanyang ginagamit.
‘Yun nga lang, wala pang playdate kung kailan ipapalabas ang pelikula sa sinehan at kasalukuyan pa raw pinag-uusapan ng mga producers.
Pero ang importante, nakagawa raw sila ng isang pelikula na nagbibigay-pugay sa ating nag-iisang Superstar.










Comments