Nakita raw 'yun ni Lotlot… PAULO, TODO-ALAGA KAY KIM NA 'DI GINAWA KAY JANINE
- BULGAR

- Aug 20, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 20, 2024

Ginagawa raw ni Paulo Avelino kay Kim Chiu ang mga bagay na hindi naranasan ni Janine Gutierrez noon sa aktor.
Nakita ni Lotlot de Leon kung gaano dinamdam ng kanyang anak na si Janine ang paghihiwalay nila ni Paulo. Nasaktan daw ang kanyang anak, pero hindi talaga sila itinakda para sa isa’t isa.
May mga bagay silang hindi mapagkasunduan, kaya 'di rin tumagal ang kanilang relasyon.
Pansin ni Lotlot, at sa nakikita niyang relasyon ngayon nina Kim at Paulo, ibang-iba raw kumpara sa relasyon noon ng aktor at ni Janine. Mas sweet at maalaga si Paulo kay Kim.
Maging ang mga fans ni Janine ay napapansin ang sobrang concern ng aktor kay Kim. Kung dati ay tahimik at hindi vocal si Paulo sa kanyang love life, ngayon ay open na siya sa pagpapahayag ng kanyang damdamin kay Kim Chiu.
Pero marami pa ring duda kung hahantong sa kasalan ang relasyon nila at inaabangan na ng lahat kung may proposal na magaganap.
May attitude raw, inaayawan ng mga co-stars…
XIAN, 'DI INIMBITA SA GMA GALA, 'DI NAMAN DAW KAWALAN

IPINAGTATAKA raw ni Xian Lim kung bakit hindi siya naimbita sa ginanap na GMA Gala 2024 kahit na nakagawa naman siya ng mga series sa GMA-7.
Meron nga raw ibang personalidad na hindi naman konektado sa GMA Network pero nakasama sa nasabing event.
May ilan namang nagsasabi na talagang iniiwasan at inilaglag daw si Xian dahil maraming Kapuso stars ang hindi raw niya nakakasundo.
May attitude raw kasi si Xian Lim at hindi marunong makisama sa production people. Tila inaayawan siya ng mga artistang dating nakatrabaho niya.
May mga nagsasabing hindi naman daw kawalan si Xian sa GMA Gala at walang naghanap sa kanya.
Mula nang mag-break sina Xian at Kim Chiu, naging negatibo na ang image ng aktor sa publiko. Pati ang mga netizens ay nagsasabi na walang kaibigan o katropang aktor si Xian sa GMA-7, kaya walang nagtatanggol sa kanya kapag may isyu o problemang kinasasangkutan.
KAHIT uso na ngayon sa ilang showbiz personalities ang magkarelasyon na nagli-live-in, mukhang hindi ito kakayanin ng Chinita Princess na si Kim Chiu.
Old-fashioned kasi ang mga Chinese, kaya dapat na magpakasal muna ang magnobyo bago magsama.
Kaya naman nang tanungin si Kim kung pabor siya sa setup na live-in, todo-tanggi siya dahil tiyak na hindi papayag ang kanyang pamilya.
Sa panahon ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim na tumagal ng 13 taon, naghintay ang Chinita Princess na siya ay maikasal, pero walang naganap na proposal.
Nangarap pa naman si Kim na makapagsuot ng wedding gown at maikasal sa simbahan. Handa na siyang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya. Pero 'yun nga, nauwi lang sa hiwalayan ang relasyon nila ni Xian.
Ngayon, marami ang nag-aabang kung si Paulo Avelino ang tutupad sa pangarap ni Kim na maging bride. May kasalan bang magaganap sa taong ito?





Comments