Search
  • BULGAR

Nakita raw silang sumasayaw… HEART, IBINULGAR ANG PINAGSELOSAN NI GOV. CHIZ

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 1, 2020




Inamin ni Heart Evangelista na mas seloso na ngayon ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.


“Seloso siya, as he got older, I don’t know. . .yeah!” sabi ni Heart sa kanyang Instagram live session recently.


“Oh, my God, yeah! Ang hindi ko ma-gets, bakit siya nagseselos, eh, dapat nga, magpakita muna siya ng sweetness bago siya magselos. Kasi irritating na 'pag selos na,” sey pa niya.


Sumagot naman si Gov. Chiz na nasa likod niya, “Saan ako nagseselos?”


Nagbigay ng insidente si Heart kung saan ay nakita nito ang video niya na nagsasayaw. Tinanong daw ng mister kung sino ang katabi niyang nagsasayaw at sinabi naman niya kung sino. Sinita raw siya nito kung bakit siya nagsasayaw ng ganu’n.


Singit naman ni Chiz, “Darling, ‘eme (kiyeme) lang ‘yun.” Natawa na lang si Heart.


Pero hindi naman daw super-seloso si Chiz like understanding naman ito sa trabaho niya’t pinapayagan siyang makipag-kissing scene.


Pero pinakagusto naman daw niya sa mister ay mabuting tao talaga ito.


“He really is a good person. I mean, he’s not sweet to me, I mean like, really sweet, ‘yung parang romance-type or teen-age dream, ‘emeng ganyan. But like I know that he would save my life, I know that he will take care of me and he’s a good dad to his kids. He’s such a good person, in fairness to the guy,” ani Heart.


Singit ni Gov. Chiz, “And a loyal husband,” and um-agree naman si Heart.


“And a loyal husband,” pag-ayon ng aktres, “hindi siya sakit sa ulo. And for me, kahit ano'ng ganda ng babae but if you’re husband is cheating on you, my God, forget it.


“So, ‘yun. The peace of mind na ibinibigay niya sa akin.”


May nagtanong namang netizen kung ano ang ayaw ni Gov. Chiz kay Heart at sagot ng pulitiko, “'Pag sumobra na sa lima ang pets mo.”


Esplika ni Heart, “I’m fostering. You wanna argue about this on live? I can prove my point.”


Tumawa na lang si Gov. Chiz.


In fairness, 'kaaliw ang mag-asawa and sa video ay kitang-kita kung gaano talaga kaganda ang relasyon nila as a couple na komportable silang nagbibiruan pero makikita mo pa rin ang respeto nila sa isa’t isa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.