top of page

Nakipagsabayan daw kay Maricel… DINA, TODO-BILIB KAY JOSHUA SA GALING UMARTE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 days ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 1, 2026



SHEET - DINA, TODO-BILIB KAY JOSHUA SA GALING UMART-IG _dinabonnievie & FB Joshua Garcia

Photo: IG _dinabonnievie & FB Joshua Garcia



Balik-ABS-CBN ang aktres na si Dina Bonnevie mula nang huli siyang napanood sa The Blood Sisters (TBS) ni Erich Gonzales noong 2018. 


Inamin ng aktres na nagpapasalamat siya na in-offer sa kanya ang Love is Never Gone (LING) dahil gusto niyang makatrabaho si Joshua Garcia.


Ito ang pagtatapat ni Ms. D sa nakaraang screening at mediacon na ginanap sa Gateway 2 Cinema 11 nitong Abril 28.


Aniya, “But I really, really wanted to work with Joshua kasi noong napanood ko s’ya sa movie with Julia (Barretto), sabi ko, ‘Ang galing ng batang ‘to, gusto kong makatrabaho.’ And then I saw him again sa movie n’ya with Maricel (Soriano), sabi ko, ang galing ng arya nila, ‘yung mahabang-mahaba n’yang arya. Pumalakpak talaga ako. Ang galing ng batang ‘to.”

Pero hindi lang naman si Joshua ang pinuri ng premyadong aktres, kasama rin ang vlogger na si Ivana Alawi na leading lady ng aktor.


Aniya, “Ivana, I wanted to meet her for the longest time kasi nagba-vlog din kaming family (Danica Sotto and Marc Pingris, Oyo Sotto at Kristine Hermosa), ‘di ba? So, gusto ko ma-meet ‘yung vlogger na ‘yun. But I didn’t expect her to be really warm. Akala ko, mataray s’ya. Pero she is so super-bait. She’s so loving, very generous.”


Ito ang ugaling nadiskubre ni Dina Bonnevie sa tagal ng shooting kasama sina Joshua Garcia, Ivana Alawi at iba pang cast ng Love is Never Gone na mapapanood eksklusibo sa Prime Video simula sa Mayo 8.





ANG bongga ng A Secret in Prague (ASIP) nina Enrique Gil at Andrea Brillantes dahil No. 1 na kaagad ito sa Netflix bilang TV series gayung kaka-streaming lang nito noong Abril 24 at nitong Lunes, Abril 27 naman sa TV5.


Bukod sa strong numbers ay kapansin-pansin din ang positibong feedback ng mga netizens na pumuri sa cinematic visuals ng show, kakaibang Prague setting, engaging storyline, at usap-usapang fresh na tambalan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil. 


Para sa maraming viewers, fresh at world-class ang dating ng serye—patunay na naghahanap ang audience ng bagong klase ng entertainment experience.


Sa patuloy na momentum ng ASIP, mas exciting ang mga susunod na kabanata na siguradong magpapakaba, magpapakilig, at mag-iiwan ng bagong sikreto gabi-gabi.





ANG Indonesian-American singer-songwriter na Lullaboy ay babalik sa Pilipinas pagkatapos ipahayag ang kanyang ikalawang Asian tour na magaganap sa buong Hulyo at Agosto 2026 sa siyam na lungsod.


Mapapanood siya sa Teatrino Promenade sa Hulyo 17, 2026. Bilang bahagi ng tour na ito, gagawin ni Lullaboy ang kanyang debut sa Tokyo, Seoul at Hong Kong.


Makikita rin sa tour na Hotels & Heartbreaks ang pagbabalik ni Lullaboy sa mga lungsod ng Singapore, Kuala Lumpur, Jakarta, Manila, Bangkok at Taipei, kung saan natapos niya ang isang sold-out tour noong nakaraang taon.


Si Lullaboy ay hindi estranghero sa Pilipinas, na nagpunta rito noong nakaraang taon para sa kanyang unang Asian tour.


Minarkahan ng paglilibot ang isang matapang na bagong panahon sa karera ni Lullaboy, na nakasentro sa kanyang bagong lalabas na 12-song album na Hotels & Heartbreaks


Ang bawat palabas sa siyam na lungsod ay tatagal ng 90 minuto, na nagtatampok ng mga reimagined arrangement ng mga hit na kanta na nagbigay sa kanya ng titulo bilang award-winning na healer ng mga brokenhearted.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page