Nakipagkita kay Leni... PBBM, kinakausap na ang kapalit sa 2028
- BULGAR

- 17 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 25, 2026

Photo: FB / Bongbong Marcos
Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nakikipag-usap na sila sa ilang indibidwal at mayroon nang mga nasa isip na pambabato para sa 2028 national elections.
“Well, we have some people we are talking to, in mind, many of them actually, some of them said no,” tugon ni Marcos nang tanungin kung nabawasan na ba niya sa dalawa o tatlong pangalan ang listahan ng mga posibleng ieendorso niya para sa 2028 sa idinaos na ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum: Fireside Chat “Tapping the Philippines Dynamic Growth Story.”
Sa naturang forum, tinanong si Marcos kung agad ba niyang ieendorso ang naturang tao, sinabi niya na hindi ito mangyayari sa lalong madaling panahon.
“Timing is everything,” saad ng Pangulo.
Tinanong din si Pangulong Marcos tungkol sa kanyang opinyon kung ano ang mga katangian na dapat taglayin ng susunod na pangulo ng Pilipinas.
Sinabi niya na mahalaga ang kaalaman sa ekonomiya dahil titiyakin nito na ang susunod na pinuno ay makakalikha ng trabaho para sa mga Pilipino at makakatulong na magkaroon ng pagkain sa kanilang mga hapag-kainan.
Sinabi rin ni Marcos na ang susunod na pangulo ay hindi dapat nakatuon sa pulitika, kundi sa kung paano mapapabuti ang Pilipinas bilang isang bansa.
Samantala, umiinit ang usap-usapang alyansa nina Pangulong Marcos at former Vice President Leni Robredo matapos ang muli nilang pagtatagpo.
Una nang binisita ni Marcos si Robredo sa Naga at sinundan ng muling pagkikita sa Malacañang.




Comments