top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Nakilala sa dating app, nag-sex para sa P50K... Sex video sa 19-anyos, ikakalat daw ng accountant, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
2 min read

ni Mylene Alfonso @News | September 12, 2026



Nakilala sa dating app, nag-sex para sa P50K... SEX VIDEO SA 19-ANYOS, IKAKALAT DAW NG ACCOUNTANT, ARESTADO

Photo: Inereklamo ng babaeng kanya umanong nakatalik dahil sa lihim na pagkuha ng kanilang sex video at pagbabanta na ikakalat ito sa social media kung hindi papayag na makipagtalik muli. File



Dakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 14 ang isang 28-anyos na accountant matapos ireklamo ng babaeng kanya umanong nakatalik dahil sa lihim na pagkuha ng kanilang sex video at pagbabanta na ikakalat ito sa social media kung hindi papayag na makipagtalik muli.


Nasa kustodiya ng MPD-PS14, ang suspek na si alyas John, residente sa Pasay City matapos ireklamo ni alyas Joan, 19, residente sa Maynila.


Bago ang entrapment operation laban sa suspek, sinabi ng biktima na nakilala niya ang suspek matapos magpadala ng message sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng Bumble dating apps at inimbitahan siya sa kanyang unit noong Agosto  31, 2026.


Hinikayat umano ng suspek ang biktima na makipagtalik sa kanya kapalit ang P50,000.

Noong Setyembre 2, ay pumunta ang biktima sa condominium ng suspek, kung saan si "John" pa umano ang nag-book ng TNVS para dalhin siya sa unit nito at nang magkita, uminom muna ang dalawa bago umano nagtalik.


Nabatid na binayaran lang ng suspek ang biktima ng P20,000 at ang balanse na P30,000

ay ibibigay umano sa biktima sa muli nilang pagkikita.


Gayunman, pag-uwi ng bahay ay nakatanggap umano ng message ang biktima mula sa suspek kung saan ipinaalam sa kanya na kinunan nito ng video ang kanilang pagtatalik at kung hindi siya babalik sa condo ay ikakalat umano nito sa kanyang mga kaibigan ang kanilang sex video.


Sinabi ng biktima na mula Setyembre 5 hanggang 9 ay patuloy ang pagbabanta ng suspek sa biktima.


Dahil dito, nagreklamo ang biktima sa MPD-PS14 at ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek kaya naaresto.


Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 286 of RPC (Grave Coercion) in relation to Section 6 of RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) sa Manila Prosecutors Office ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page