Nakikipagsabayan kay Raffy Tulfo… ALEX, MILYONES ANG KINIKITA SA YOUTUBE
- BULGAR

- Aug 8, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 8, 2020

Madiskarte sa buhay ang younger sister ni Toni Gonzaga na si Alex. Kahit na noong may show pa siya sa ABS-CBN, sumubok na siyang palawakin ang kanyang mundo at i-challenge ang kanyang kakayahan sa paggawa ng vlog.
Kuwelang-kuwela ang content ng vlog ni Alex Gonzaga. Nakakaaliw at talagang pag-iinteresan na mapanood ng lahat ang pagiging jologs niya.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung nag-viral ang mga vlogs ni Alex na ngayon ay umabot na sa 8 M ang subscribers. Imagine, pati ang pamamanhikan sa kanya ng pamilya ng BF niyang konsehal ng Lipa ay ginamit niyang materyales sa kanyang latest vlog?
Three years pa lang ang YouTube channel ni Alex pero kasama na siya agad sa top YouTubers at kumikita na nang malaki buwan-buwan, milyon na rin sa loob ng isang taon!
Sa inilabas na report ng YT sa taong ito, mahigit P135 thousand a month ang pinakamababang kinikita ni Alex. Nakikipagsabayan na siya halos sa kinikita ng sikat na newscaster ng TV5 na si Raffy Tulfo.
Masipag at maabilidad sa buhay si Alex Gonzaga, kaya kahit wala siyang regular show ngayong nagsara na ang ABS-CBN, kumikita pa rin siya.
At dahil sikat siyang vlogger, maraming kumukuha sa kanya upang maging product endorser.





Comments