Nakawan pa more ‘pag walang ayuda ang pamahalaan
- BULGAR
- Dec 23, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 23, 2021
KUNG WALANG PERANG PANTULONG ANG DUTERTE GOV’T. SA MGA BIKTIMA NG BAGYO, TIYAK NA LALAGANAP ANG NAKAWAN—Sabi ni Bohol Gov. Arthur Yap, kung walang ipadadalang perang pantulong sa kanilang lalawigan si P-Duterte, ang dapat ipadala ng pangulo ay mga pulis at sundalo dahil tiyak na lalaganap ang nakawan dahil marami na sa kanyang mga kababayan ang dumaraing sa gutom.
Sa tema ng salita ni Gov. Yap, tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ni P-Duterte na wala nang perang pantulong ang kanyang gobyerno sa mga biktima ng Bagyong Odette, period!
◘◘◘
BOLADAS LANG ANG PRAMIS NA TULONG NI P-DUTERTE SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG ODETTE—Matapos mabatikos, binawi na ni P-Duterte ang sinabi niyang walang perang pantulong ang kanyang pamahalaan sa mga biktima ng Bagyong Odette, at ayon sa pangulo, magkakaloob ng P10 bilyon ang kanyang pamahalaan.
Totoo na kaya ang sinabi ni P-Duterte o boladas lang para matigil na ang pambabatikos sa kanya?
Tandang-tanda pa kasi ng publiko ang pramis ni P-Duterte na bibigyan ng pabahay ang mga Taal volcano victims noong Jan. 2020, na hindi naman natupad kasi mismong si NHA General Manager Marcelino Escalada ang nagsabi noong Oct. 2020 na kaya hindi pa nila nauumpisahang magpagawa ng pabahay ay dahil wala namang budget na ibinigay ang Malacañang, tsk-tsk-tsk!





Comments